Task Force Ventura, binuo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 715 total reads

Tiniyak ng Philippine National Police Region 2 ang masusing imbestigasyon upang mabigyang katarungan ang pagkamatay ni Rev. Fr. Mark Anthony Ventura na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin dakong alas-otso ng umaga matapos ang kanyang misa sa Brgy. Peña Weste, Gattaran,Tuguegarao, Cagayan.

Ayon kay PNP Region 2 Cagayan Provincial Police Office Spokesperson Police Senior Inspector Sharon Malilin, matapos ang insidente ay agad binuo ang Special Investigation Task Group Ventura upang tutukan ang pagbibigay katarungan sa kasong pagpatay.

Sinabi ni Malilin na kabilang sa tatlong motibo na kasalukuyang tinututukan ng mga otoridad ang insurgency o paghihimagsik laban kay Fr. Ventura, ikalawa ang masidhing adbokasiya ng Pari laban sa mga ilegal na gawain partikular na ang black sand mining at job related.

“Kagabi po meron na pong tatlong motibo na tinitingnan po natin yung sa Task Group Ventura po. So meron po tayo nung una po yung sa insurgency related and then yung pangalawa po is yung strong advocacy po ni Father against illegal activities and yung sa against sa black sand mining, yung pangatlo pong tinitingnan nating anggulo po is yung job related kung saan some subbordinates are not given in favor para maimpost po yung disiplinary actions po”pahayag ni Malilin sa panayam sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ni Malilin na batay sa naging pakikipanayam sa ilang mga testigo na nakasaksi ay nagtanong pa ang mismong gunman sa isang sakristan upang malaman at tiyakin na si Fr. Ventura ang pari na katatapos lamang magmisa bago ang pamamaril.

Gayunpaman, walang sinuman sa mga nakasaksi sa insidente ang nakakilala sa mga pumatay kay Fr. Ventura sapagkat naka-helmet at wala ring plaka ang motor na ginamit ng mga ito.

Sa kabila nito, umapela ng pakikipagtulungan ng mamamayan si Malilin upang matunton ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga pumatay kay Fr. Ventura.

Naunang nagpahayag ng lubos na pagdadalamhati, paghihinagpis at pagkundina si Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg sa marahas na pagpaslang kay Ventura na nagbebindesyon sa mga bata at miyembro ng kuro na nakibahagi sa kanyang katatapos na misa.

“We just lost a young priest zealous and dedicated one who smells like the sheep to one’s assassin’s bullet right after he said mass and was baptizing children; we condemn in strongest terms this brutal and cowardly act…” pahayag ni Archbishop Sergio Utleg.

Si Father Ventura ay 37-taong gulang at 7-taon pa lamang bilang Pari.

Bago maitalaga bilang Director ng San Isidro Labrador Mission Station sa Barangay Mabuno, Gattaran ay nagsilbi ring Rector si Fr. Ventura sa Thomas Aquinas Major Seminary sa Aparri, Cagayan.

Naging in-charge rin si Father Ventura ng Social Apostolate on Migrants, Director ng Mission Office under ng Commission on Worship, at Assistant Chairman ng Commission on Seminaries and Vocation sa Archdiocese of Tuguegarao.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 18,441 total reads

 18,441 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 18,568 total reads

 18,568 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 33,651 total reads

 33,651 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 90,057 total reads

 90,057 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 213,558 total reads

 213,558 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 297,299 total reads

 297,299 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top