Ipagpatuloy ang adbokasiya bilang pari kaakibat ng pag-iingat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total views

Ito ang mensahe ni Tuguegarao Archbishop Sergio Utleg sa mga pari ng Arkidiyosesis kasunod ng pagkakapaslang kay Fr. Mark Ventura.

Ayon sa Arsobispo, bagama’t hindi pa napapatunayan na may kaugnayan sa adbokasiya ang dahilan ng pagpaslang sa pari ay dapat na mag-ingat ang lahat.

“Well, mag-ingat. Of course ‘wag ihihinto kung anuman ang bokasyon natin basta for the good of the poor specially the marginalized, indigenous people, the environment they should not stop doing what is right,” ayon kay Archbishop Utleg sa panayam ng Radio Veritas.

Sa kasalukuyan ay naglabas na ng cartographic sketch ang pulisya sa bumaril kay Fr. Mark subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ang salarin.

Nagpapasalamat din si Archbishop Utleg sa pulisya at umaasa sa agarang pagkamit ng katarungan sa pagkamatay ni Fr. Mark.

Ang 37 taong gulang na si Fr. Ventura ay binaril at napatay ng ‘riding in tandem’ matapos ang kaniyang misa sa gymnasium sa Barangay Piña Weste Gattaran, Cagayan noong April 29, linggo ng umaga.

Ang batang pari ay nakatalaga sa San Isidro Labrador Station sa Mabuno sa bayan ng Gattaran at kilalang nagsusulong ng mga karapatan ng mga katutubo, pangangalaga sa kalikasan at tamang pamamahala.

Una na ring nag-alok ng P300,000 reward ang pamilya ni Fr. Mark para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon sa sinumang may kagagawan ng pagpaslang.

Si Fr. Mark ay ikalawa na sa mga pari na napaslang ngayong taon, kabilang na si Fr. Tito Paez mula naman sa Diocese ng San Jose Nueva Ecija na kilala namang nagtataguyod ng karapatan ng mga manggagawa at magsasaka.

Una na ring kinondena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga pagpaslang at hiniling ang mabilis na pagkamit ng katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 64,130 total views

 64,130 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 64,130 total views

 64,130 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 64,130 total views

 64,130 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 62,160 total views

 62,160 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 56,779 total views

 56,779 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top