Kilalanin ang biyaya ng bagong buhay.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 323 total views

Nag-alay ng panalangin at pakikiramay si Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud sa mga mananampalataya ng Batanes kaugnay sa nalalapit na paglilibing kay Basco, Batanes Bishop Emeritus Camilo Gregorio.

Ayon kay Bishop Bancud, nawa sa pamamagitan ni Bishop Gregorio ay mas makilala ng mga mananampalataya ang biyaya ng bagong buhay na kaloob ng Diyos para sa lahat.

“Hinihiling ko yung panalangin upang sa gayon, ang buong sambayanan ng Diyos ay gamitin ang pagkakataong ito upang ating lubos na kilalanin ang biyaya ng bagong buhay na kaloob ng Diyos para sa ating lahat. Magkaisa tayo at manalangin upang sa gayon, ang ating minamahal na si Bishop Camillo Gregorio ay ipagkaloob sa kanya ng Diyos ang pangako ng buhay na walang hanggan.” Pahayag ni Bishop Bancud sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Bishop Bancud na sa paglisan ng isang mabuting Pastol ng Simbahang Katolika, nawa ay alalahanin ng mga mananampalataya ang inialay nitong pag-aalaga at paggabay nang siya ay nabubuhay pa at gamitin ito upang mas mapalapit sa Panginoon.

“Para sa mga mananampalataya ng Batanes, ako’y nakikiramay sa inyong lahat sa ngalan ng mga kaparian ng Diyosesis ng Cabanatuan, hari nawa itong ating huling pamamaalam kay Bishop Camillo, dala natin ang ating ala-ala ng kanyang pag-aalaga sa atin at paggabay sa atin, upang lalo tayong mapalapit sa ating Panginoon.” Dagdag pa ng Obispo.

Bukas, ika-28 ng Mayo nakatakda ang Funeral Mass at internment ni Bishop Gregorio sa Katedral ng Santo Domingo De Guzman sa Basco Batanes.

Si Bishop Gregorio ang naging pang-apat na Obispo ng Basco, at siya ay pinalitan ni Bishop Danilo Ulep matapos itong magretiro noong Mayo nang nakaraang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,975 total views

 45,975 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,844 total views

 41,844 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,046 total views

 78,046 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,783 total views

 86,783 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,214 total views

 112,214 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 324,787 total views

 324,787 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top