Kilalanin ang karapatan ng mga Lumad sa BBL

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,020 total reads

Nanawagan ang mga katutubo mula sa Mindanao na isama ang kanilang mga karapatan sa nalalapit na pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Timuay Leticio Datuwata – Lambangian Tribal Leader, mula sa South Upi, Maguindanao, mahigit na sa tatlong linggong namamalagi ang kanilang grupo sa Metro Manila upang iparating sa mga mambabatas ang kanilang mensahe na dapat kilalanin ang karapatan ng mga Lumad ng Mindanao.

Nababahala si Datu na ang in-adopt na bersiyon ng BBL ay mula sa Bangsamoro Transition Commission na walang nakapaloob na kumikilala sa karapatan ng mga katutubo lalong lalo na sa kanilang lupang minana.

“Kami ay nababahala lalong-lalo na nung in-adopt ng committee yung Bangsamoro Basic Law draft ng BTC (Bangsamoro Transition Commission) version, ay walang napaloob na kumikilala sa mga karapatan ng mga katutubo lalong lalo na sa territory ng proposed Bangsamoro Basic Law. So ang aming ginawa dito ay nag lo-lobby sa bawat kongresista at senador para maipasok yung aming karapatan para makilala sa pamamagitan ng Republic Act. 8371.” pahayag ni Datu sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, naninindigan din si Mabel Carumba–Secretary General ng Mindanao People’s Peace Movement na hindi lamang dapat mga muslim ang kilalanin sa Bangsamoro Basic Law kundi marapat din ang mga katutubong matagal nang naninirahan sa Mindanao.

Naniniwala si Carumba na kung ang mga Bangsamoro ay nakaranas ng kawalang katarungan ay gayundin naman ang naranasan ng mga katutubo lalo na sa usapin ng pag-agaw sa kanilang mga lupain.

“Kung sinasabi natin na ang Bangsamoro Basic Law ay sumasagot sa mga historical injustices na na-commit against the Bangsamoro People, bakit hindi na lang natin sagutin yung lahat ng historical injustices na naranasan ng mamamayan ng Mindanao at hindi lang naman yung Bangsamoro na nakaranas ng mga ganitong historical injustices cases ng marginalization ng minority, andyan din yung mga kapatid natin na mga katutubo na sa loob ng maraming centuries at dekada ay nanirahan at napaloob dun sa Autonomous Region nagpapraktice ng kanilang self-governance system at merong sariling identity bilang indigenous peoples.”  Pahayag ni Carumba sa Radyo Veritas.
Nauna rito, naninindigan si Ozamis Archbishop Martin Jumoad na hindi magtatagumpay ang BBL kung ito ay eksklusibo lamang sa isang grupo.

Read: BBL, Hindi dapat maging exclusive

Matatandaang isinulong ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law upang maitaguyod ang kapayapaan sa Mindanao subalit naantala ito nang maganap ang Mamasapano incident kung saan nasawi ang 44 na police commandos.

Inihayag naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagnanais na maisabatas ngayong taong 2018 ang Bangsamoro Basic law at kung maaari ay malagdaan niya ito sa ika-23 ng Hulyo bago ang kanyang ikatlong State of the Nation Address sa hapon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 45,045 total reads

 45,045 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 142,230 total reads

 142,230 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 186,499 total reads

 186,499 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 209,608 total reads

 209,608 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 282,806 total reads

 282,806 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 32,301 total reads

 32,301 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 25,206 total reads

 25,206 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top