255 total views
Ang hindi pagkakaisa at magkakaibang direksyon ng magkakaibang sangay ng pamahalaan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng Constitutional Crisis.
Ito ang ipinaliwanag ni Atty. Domingo Coyosa, Executive Vice President, Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa pagkakaroon ng magkakaibang interpretasyon ng mga Eksperto at mga Opisyal ng pamahalaan sa nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas.
Paliwanag ni Atty. Cayosa, dapat na mayroon lamang iisang kaisipan at layunin ang lahat ng sangay ng pamahalaan dahil nag-iisa lamang ang Konstitusyong gumagabay sa ating pamahalaan.
Ayon kay Atty. Cayosa, ang paghaharang o pagpigil ng isang sangay ng pamahalaan na makapagsagawa ng kanilang mandato ang iba pang sangay ng pamahalaan ay nangangahulugan ng Constitutional Crisis para sa bansa.
“Constitutional crisis yung magkakaibang sangay ng gobyerno hindi iisa ang kanilang kaisipan at direksyon kasi iisa lang naman po ang ating Republika ng Pilipinas, iisa ang gobyerno, iisa ang ating Konstitusyon so kung tingin nung kabila ‘wala, hindi tama yan at illegal’ they can enact laws, they can block, they can make it difficult for the other Branches of Government to operate and that is already a Constitutional Crisis…” pahayag ni Atty. Coyosa sa panayam sa Radyo Veritas.
Bunsod ng pagkabahala sa magkakasalungat na interpretasyon ng mga Eksperto sa Saligang Batas, nagpalabas si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng Circular Letter upang tugunan ng simbahan ang umiiral na Crisis of Truth sa bansa.
Nasasaad sa Article 11 ng 1987 Constitution na Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan o Accountability of Public Officers na maari lamang mapatalsik ang mga miyembro ng Supreme Court at iba pang Impeachable Officials sa pamamagitan ng Impeachment na magsisimula sa Mababang Kapulungan at aakyat sa Senado.
Kaugnay nito, ngayong araw ika-31 ng Mayo ay ang huling araw sa naging panawagan ni Cardinal Tagle noong Pentecost Sunday na “Feasts of Truth and Love” na 12-araw na paggunita sa pagbibigay halaga upang maisulong ang paninindigan para sa katotohanan at katarungan na hinahangad ng bawat isa para sa bansa.