Pag-alay ng Buhay, Pagtupad sa kaloob ng Diyos.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 629 total reads

Ang pag-aalay ng buhay ng isang Pari ay isang pagtupad sa kaloob ng Panginoon at isa sa misyon ng pagiging Pari ni Kristo.

Ito ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David kaugnay na rin sa pinakahuling ulat ng pagpaslang sa isang Pari na si Fr. Richmond Nilo mula sa Diocese ng Cabanatuan.

Paliwanag ng Obispo, nagiging ganap ang kanilang pagiging Pari sa pamamagitan ng pagsunod sa yapak ng tunay na pari na si Kristo.

Pagdidiin ni Bishop David-bise presidene ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) hindi dapat ituring na biktima si Fr. Nilo, kundi isang Martir.

Giit ng obispo ang dugo ng mga martir ang siyang nagdidilig sa ating pananampalataya para mas higit pang yumabong.

“Kaya tayo naririto pagkatapos ng dalawang libong taon buhay na buhay pa rin ang simbahan dahil maraming dugo ang dumanak. Mga dugo ng ating mga martir,” ayon kay Bishop David.

Si Fr. Nilo ang ikatlong Pari na napaslang matapos ang pamamaril at pagpatay kina Fr. Marcelito Paez ng Diocese ng San Jose, Nueva Ecija at Fr. Mark Anthony Ventura na mula naman sa Archdiocese ng Tuguegarao.

Ang pahayag ay bahagi ng Homiliya ni Bishop David para sa ika-122 kapistahan ng San Antonio De Padua Parish sa Tonsuya Malabon.

Ang parokya ni San Antonio ng Tonsuya ay itinayo bilang Kapilya noong 1896 at dahil sa paglago ng pananampalataya ng mamamayan sa lugar ay itinaas ito bilang Parokya noong 1989 sa bisa ng kautusan ng noo’y s Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Si Fr. Enrique Santos ang naitalaga bilang kauna-unahang kura paroko ng parokya na ngayon ay pinangangasiwaan na ni Fr. Benedict John Cervantes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,110 total reads

 37,110 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,381 total reads

 68,381 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 145,971 total reads

 145,971 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,199 total reads

 240,199 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,298 total reads

 299,298 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top