Pagkakaloob ng pabahay sa mga mahihirap, tungkulin ng pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Tungkulin ng pamahalaan ang magkaloob ng pabahay sa mga mahihirap na walang tirahan.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual ang executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radyo Veritas hinggil sa usaping pang-aagaw ng bahay ng mga kasapi ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa San Isidro, Rodriguez Rizal.

“The kadamay group has the right for socialized housing. Its the responsibilty of the government to provide such.” ang pahayag ni Fr. Pascual sa Radyo Veritas.

Nilinaw ng pari na bagamat karapatan ng grupo ang magkaroon ng socialized housing, iginiit nito na walang dignidad sa doleout o pagbibigay ng walang kapalit.

“We dont believe in doleout. Theres no dignity there.” dagdag ng pari.

Sa pagiging executive director ni Fr. Pascual sa Caritas Manila, naglunsad ito ng mga programang makatutulong sa mga mahihirap na magkaroon ng hanapbuhay at magkaroon ng sariling kita.

Kabilang dito ang Caritas Margins na nagbibigay ng libreng skills training sa mga mahihirap na komunidad at sektor sa lipunan na layong hubugin upang maging social entrepreneurs.

Ang mga produktong gawa ng mga sumailalim sa pagsasanay ng Caritas Margins ay ibinebenta sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Caritas Margins Expo kung saan hinihikayat ang mamamayan na bumili ng kanilang produkto upang makatulong sa mga mahihirap na kumita.

Dahil dito naniniwala si Fr. Pascual na may kakayahan ang mga mahihirap na magbayad sa abot kayang halaga ng pabahay.

“We dont believe in doleout. Theres no dignity there. The POOR has the capacity to pay. Just make it affortable and long term socialized housing. No one is so poor that he cannot pay.”

Bukod sa Caritas Margins ay itinatag ng Caritas Manila ang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP na layong tulungan ang mga estudyante na walang kakayahang mag-aral na makapagtapos sa pag-aaral at magiging mga servant leaders na handang tumulong sa iba pang mangangailangan.

Naniniwala ang pari na mahalagang salik ang edukasyon upang makaahon sa kahirapan ang bawat mamamayan.

Sa tala ng Caritas YSLEP, mahigit sa 5-libong mag-aaral sa bansa ang tinutulungan ng Caritas Manila.

Sa mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa unang World Day of the Poor binigyang diin nito na ang pagmamahal sa mahihirap ay nararapat na ipakikita sa gawa at hindi sa salita lamang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 863 total reads

 863 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 38,245 total reads

 38,245 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 69,516 total reads

 69,516 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 147,044 total reads

 147,044 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 241,228 total reads

 241,228 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top