326 total views
Tungkulin ng Pulisya na pangalagaan ang buhay ng bawat Filipino, maging pari man ito o pangkaraniwang tao.
Ito ang iginiit ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy, kaugnay sa lumalaganap na banta sa buhay ng bawat mamamayan kabilang na ang mga alagad ng simbahan.
Paliwanag ng Obispo, pantay-pantay ang dapat na pagtingin sa bawat Filipino, at ang lahat ng bahagi ng lipunan ay nararapat lamang na pahalagahan.
“The clergy and every citizen equally need the protection by the government. We continue to ask the government to do its responsibility.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Famadico sa Radyo Veritas.
Umapela din ng panalangin ang Obispo sa mga mananampalataya, Pari, relihiyoso at relihiyosa matapos ang magkakasunod na pagpaslang sa mga pari.
Naniniwala si Bishop Famadico na pari man o pangkarinawang mamamayan ang maging biktima ng pagpatay ay nananatili itong mali at mabigat na paglabag sa ikalimang utos ng Diyos na “Huwag kang papatay.”
Dahil dito, ipinanalangin din ng Obispo na makamit ang katarungan sa lahat ng naging biktima ng karahasan at ang pagbabalik loob ng mga may sala.
“Whether it is a priest or anybody who is killed it is against God’s commandment, “Thou shall not kill.” The responsibility to ensure that nobody is killed is in the hands of our government authorities. We pray that our authorities protect the life of our citizens. We pray for everyone who suffered similar fate that they attain justice. We pray also for the perpetrators that they be converted.” Dagdag pa ng Obispo.