Mga Pari, Tagapagpalaganap ng Kapayapaan at hindi Karahasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 490 total reads

Nararapat na masusing suriin ng Pamahalaan kung ano ang nag-udyok sa paglala ng pamamaslang sa Lipunan.

Ito ang tugon ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona ang National Chairman ng CBCP NASSA/Caritas Philippines sa usaping aarmasan ang mga Pari bilang proteksiyon sa sarili.

“Ganun kalala ang sitwasyon dumarating sa puntong pati yung mga hindi dapat mag-armas, nagdadala na rin sila, dapat i-focus sa what triggers the situation dahil ba break down of law, hindi na nareresolve ang sitwasyon,” pahayag ni Archbishop Tirona sa Radio Veritas.

Sinabi ng Arsobispo na dapat ding makinig ang pamahalaan sa mga usaping umiiral sa lipunan lalo na ang krimen.

Dahil dito, nanindigan ang Arsobispo na tutol ito sa panukalang aarmasan ang mga Pari dahil ang mga Pari ay tagapagpalaganap ng kapayapaan.

“Kung ang pari ngayon ay nagsisipag-aarmas grabe na ang sitwasyon di ba, biruin mo pati ang taong simbahan at siyempre kung that will justify the priest will carry arm I would say NO.” dagdag ng Obispo.

Naniniwala rin si Bishop Tirona na mahalaga ang pakikipagdayalogo upang pag-usapan ang mga suliranin ngunit dapat susundan ito ng tiyak na pagkilos upang tuluyang malutas ang anumang suliranin.

“Ang dialouge is hindi lang a matter of talking, dialouge is always in relation to action.” pahayag ni Archbishop Tirona.

Ang usaping pag-aarmas ng mga Pari ay kasunod ng sunod-sunod na insidente ng Pagpaslang at Pamamaril sa mga lingkod ng Simbahan kung saan 3 Pari ang nasawi sa loob ng anim na buwan habang isa ang sugatan at nakaligtas sa kamatayan.

Unang biktima ng pamamaslang si Rev. Fr. Marcelito Paez ng Jaen Nueva Ecija noong ika – 4 ng Disyembre ng nakalipas na taon, sumunod naman si Fr. Mark Anthony Ventura noong ika – 29 ng Abril at huling napaslang si Fr. Richmond Nilo na binaril sa altar ng Nuestra Seniora dela Nieve Chapel sa Mayamot Zaragosa noong ika – 10 Hunyo.

Habang nakaligtas naman si Fr. Rey Urmeneta na binaril ng riding in tandem noong ika – 6 ng Hunyo sa Calamba Laguna.

Samantala, tutol din si San Pablo Bishop Buenaventura Famadico sa nasabing panukala kahit ito ay para sa Seguridad ng kanilang buhay habang naglilingkod sa Simbahang Katolika.

Read : Proteksyon ng mamamayan, misyon ng PNP

Naninindigan din si CBCP Vice President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pag-alay ng buhay ng isang Pari ay pagtupad sa kalookan ng Panginoon.

Read: Pag-alay ng Buhay, Pagtupad sa kaloob ng Diyos.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 146,249 total reads

 146,249 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 219,466 total reads

 219,466 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 252,914 total reads

 252,914 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 288,212 total reads

 288,212 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 509,075 total reads

 509,075 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top