TDC, Tutulong sa pagpapatupad ng Good Manners and Right Conduct Class

SHARE THE TRUTH

 341 total views

Nakahanda ang grupo ng mga Guro na tumulong sa pagpapatupad sa panukala ng Department of Education na Good Manners and Right Conduct (GMRC) class sa lahat ng antas na sakop ng K-12 program.

Ayon kay Benjo Basas ang Chairman ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC), maging ang mga Guro ay nagrereklamo ukol sa pag-uugali ng mga kabataan na tila hindi na gumagalang sa mga nakatatanda.

“We are willing to give them inputs at wala naman tayong pagtutol doon, in fact yung mga techers nga isa sa nirereklamo ngayon na yung mga bata ay medyo iba na ang ugali.” bahagi ng pahayag ni Basas sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Basas na noon pa man ay bahagi na ng pagtuturo ang GMRC kung saan napaloob ito sa Values Education na sa kasalukuyan ay tinatawag na Edukasyon sa Pagpapakatao upang maabot ang iba’t-ibang aspeto.

Sinabi ni Basas na dapat maging malinaw sa pagsusulong ng GMRC ang kulturang tinutukoy dito dahil sa mahigit 40- libong paaralan sa bansa ay may iba’t ibang kulturang pinahahalagahan.

“Isang challenge sa Deped ano ba, which culture do we pertain kapag ka mag-uusap tayo ng good manners and right conduct.” dagdag ng Guro.

Binigyang diin ng pinuno ng TDC na dapat maging universal ang pagtuturo ng GMRC upang saklaw nito ang lahat ng aspeto ng pag-uugali at pagpapahalaga maging sa kung anuman ang paniniwala at pananaw ng tao.

Batay sa panukala ng Department of Education idadagdag ang GMRC sa kasalukuyang Curriculum sa lahat ng antas ng K – 12 Program upang matugunan pagbabago sa lipunan na nakakaapekto sa pag-uugali ng kabataan.

Sa mensahe ni Pope Francis sa Italian Association of Catholic Teachers iginiit nitong bukod sa mga guro ay malaking gampanin ng mga magulang ang paghuhubog sa pagkatao kanilang mga anak partikular na ang pag-uugali ng bawat bata.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 1,902 total views

 1,902 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 27,263 total views

 27,263 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 37,891 total views

 37,891 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 58,898 total views

 58,898 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 77,603 total views

 77,603 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top