Pagtuturo ng GMRC, simulan sa mga nakakatanda at mga lider ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 511 total reads

Hindi magiging madali ang pagtuturo ng mabuting ugali at asal sa mga kabataan kung mananatiling mali ang kanilang nakikita mula sa mga mas nakatatanda partikular na sa pinakamatataas na opisyal ng pamahalaan.

Ito ang binigyan diin ni Sr. Mary John Mananzan, OSB – Former President ng St. Scholastica’s College at Co-Chairman ng AMRSP kaugnay sa planong pagtutok ng Department of Education sa pagbibigay ng Good Manners and Right Conduct sa mga kabataang mag-aaral.

Ipinaliwanag ni Sr. Mananzan na napakapagmasid ng mga kabataan sa kanilang mga nakikita at naririnig kaya’t madali rin nila itong nakukuha at nagagaya ng walang kamalay-malay.

“Napakahirap na magturo ngayon ng ganun courtesy, good manners kasi nga yung example na binibigay nung mga highest government officials natin nakikita ng mga bata yun. Napaka-observant kasi ng mga bata so nakikita nila how the adult talk and how they behave syempre parang osmosis yun diba parang nakukuha nila even unconsciously…” pahayag ni Sr. Mananzan sa panayam sa Radyo Veritas.

Dahil dito, umaasa si Sr. Mananzan na ang lahat ng mga opisyal na namumuno sa bansa ay iwasan na ang pagmumura partikular na ang paggamit ng mga salitang nakaiinsulto sa mga kababaihan.

Iginiit ng Madre na hindi dapat na magpatuloy ang nagiging “new normal” o ang pagiging normal na lamang na kabastusan sa lipunan na maihahalintulad sa isang nakahahawang sakit na madaling nakukuha at nagagaya ng mga mamamayan partikular na ng mga kabataan.

“Lahat sana ng ating mga namumuno ay huwag na po naman silang magmura, especially yung pagmumura na nakakainsulto sa babae at sa ina natin lahat naman tayo may ina at kapatid na babae. Alam mo kasi parang nakikita ko ngayon ang new normal is kabastusan at saka yung kabastusan is very parang disease na infection disease na everybody gets infected…” dagdag pa ni Sr. Mananzan

Samantala, pabiro namang inihayag ng Madre na tila mas kakailanganin ng DepEd na simulan ang pagtuturo ng GMRC sa mga opisyal ng pamahalaan sapagkat sila ang dapat na magsilbing huwaran ng mga kabataan sa pagkakaroon ng mabuting asal.

“This is joke lang, pero dapat siguro may isang klase for all government administrators, government officials mag-klase siguro si Secretary Briones ng Good Manners and Right Conduct para sa kanila lang, sila muna ang turuan kasi sila ang example.” ang pabirong mungkahi ni Sr. Mananzan.

Naunang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones ang pagnanais ng kagawaran na muling suriin ang curriculum ng K-12 Program upang maidagdad ang Good Manners, Right Conduct at Proper Values upang mapalakas ang basic values ng mga kabataan mula Kindergarden, Grade 1 at Grade 2 na naglalayun din maging tugon laban sa mga hindi naaangkop na salik sa lipunan na maaring makapagdulot ng negatibong impluwensya sa mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 52,461 total reads

 52,461 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 87,137 total reads

 87,137 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 115,462 total reads

 115,462 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 151,947 total reads

 151,947 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 166,943 total reads

 166,943 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top