Tuparin ang Pangako sa mga Manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 491 total reads

Ito ang panawagan ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino o BMP kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa usapin ng pagpapahinto sa kontraktuwalisasyon at pagbibigay ng tamang pasahod sa mga manggagawa.

Ayon kay Leody De Guzman, pangulo ng BMP, ito ang dahilan kaya’t sinuportahan ng sektor ng manggagawa si Pangulong Duterte noong halalan dahil sa mga pangakong makatutulong sa mga manggagawa.

“Ang panawagan ko kay Pangulong Duterte ay tuparin niya yung kaniyang pangako huwag siyang manloloko, huwag siyang sinungaling, nangako siya na dapat ang mga manggagawa ay maging regular hindi kontraktuwal, pinalakpakan siya ng mga manggagawa nagbunyi yung mga manggagawa noong Eleksyon tapos tatalikuran niya yung kaniyang pangako.”pahayag ni De Guzman sa Radio Veritas.

Dagdag pa ni De Guzman nararapat ding ipatupad ng Pamahalaan ang National Minimum Wage kung saan iisa ang batayan sa pagbibigay ng sahod sa mga manggagawa sa Bansa.

Batay sa ulat ng Department of Labor and Employment, 767 kumpanya ang sangkot sa Illegal Contracting or Sub-Contracting Schemes na labag sa karapatan ng mga manggagawa sa Security of Tenure kung saan tinatayang mahigit sa 200 – libong manggagawa ang Apektado.

Ang Illegal Contracting ay mahigpit na Ipinagbabawal sa section 2 ng inamiyendahang Article 106 ng Labor Code of the Philippines base na rin sa nilagdaan ni Pangulong Duterte na Executive Order no. 51.

Bukod dito, nanawagan din ang grupo na totohanin ng Pangulo ang pangakong labanan ang Korapsyon at dapat pananagutin ang mga tiwaling Opisyal ng bayan.

Sinabi ng grupo na hindi katanggap-tanggap ang tila pagre-recycle ng Pangulo sa mga tiwaling Opisyal na natanggal sa puwesto ngunit inilipat naman sa ibang Ahensya ng Pamahalaan.

Tiniyak ni ni De Guzman na kung magpapatuloy ang ipinapakitang pag-uugali ng pangulo, hindi nito pinaninindigan na siya ay pangulo ng masa kundi ito ay para sa mga kapitalista sa bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, kinakailangan na sa bawat programa ng estado nakikinabang ang Mayorya tulad ng mga manggagawa na makatatanggap ng tamang Pasahod at Kaukulang serbisyo para sa pag-unlad ng bawat sarili at maging ng Lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 67,561 total reads

 67,561 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 115,852 total reads

 115,852 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 163,724 total reads

 163,724 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 267,669 total reads

 267,669 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 350,577 total reads

 350,577 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top