Radio Veritas, Pangungutya ng Pangulong Duterte sa Panginoon, agenda ng CBCP Plenary Assembly

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 547 total reads

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma,dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na tatalakayin sa susunod na ‘plenary assembly’ sa Hulyo ang ginagawang pagbatikos ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika at sa Panginoon.

Ayon kay Archbishop Palma, kinakailangan ang higit na pagninilay lalu’t maraming pahayag ang Pangulo na kumukuwestiyon na sa pananalig sa Panginoon sa paraan ng kaniyang pag-unawa.

“I look towards sa meeting namin dahil alam ko na mapag-usapan ito and we can make a response. Siguro Una, syempre nalulungkot tayo dahil mayroon mga bagay na nasasabi na hindi naman dapat sabihin na parang sometimes out of place, out of tune. At siguro pangalawa, bakit ganyan, sa isang dako all of us dapat naman magtanong to what extent yung sinasabi niya, dapat katulong yung reflection hindi naman ma-deny na mayroon din tayong kahinaan. Ang simbahan ay mayroon din mga nagagawa na sabihin nga natin na medyo lihis din sa ating tawag sa ating tungkulin,” ayon kay Archbishop Palma sa Radio Veritas.

Ayon kay Archbishop Palma, dapat na pag-aralan mabuti ang tamang pagtugon sa paglapastangan ng pangulo hindi lamang sa indibidwal na Opisyal ng Simbahan kundi maging sa ating Panginoon.

“Pero kung yung inatake nya ang Panginoon parang yung dating na natatakot tayo na sabihin mo na ‘how dare we to speak like that to God’ parang ganyan ba. So, Iyan ang naisip ko dahil syempre na we pray for our leaders, pero kung sila mismo ika nga yung may mga ginagawa na medyo katakut-takot, so we are afraid na ang ating prayers hindi gaanong effective. Yun din na sinabi ko ang angulong ito na siguro dapat itong pagnilaynilayan. Pero sa ngayon, of course we are not happy with what he is doing,” dagdag pa ni Archbishop Palma.

Naniniwala din ang Arsobispo na naghihintay ang publiko sa gagawing hakbang ng Simbahan patungkol sa pangungutya ng Pangulo at pag-atake sa Diyos.

Ang Pilipinas ay binubuo ng 86 na Arkidiyosesis at Diyosesis na may higit sa 140 mga Obispo na siyang nangangasiwa sa 86 na milyong katoliko sa buong Bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 64,229 total reads

 64,229 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 112,823 total reads

 112,823 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 160,695 total reads

 160,695 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 264,640 total reads

 264,640 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 347,662 total reads

 347,662 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top