Papal Nuncio, pangungunahan ang Pope’s day

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriel Caccia ang misa para sa pagdiriwang ng Pope’s Day na isasagawa sa Minor Basilica ng Immaculate Conception (sa ika-28 ng Hunyo) mamayang alas-6 ng gabi.

Ito ay kasabay na rin ng pista ng ‘Solemnity of Saints Peter and Paul na kapwa naging bahagi sa pagpapatag ng simbahan.

Si St. Peter- ang unang Santo Papa ng simbahan at St. Paul ang apostol ng mga Gentil-ay sabay na nagdiriwan ng kapistahan bilang isa na kapwa nagdusa at inusig para sa simbahan at para salin-lahi.

Ganapin naman ang ‘diplomatic reception’ sa mismong araw ng Pope’s Day sa June 29 sa Apostolic Nunciature of the Philippines kung saan kabilang sa mga inanyayahang dumalo sina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Maria Leonor Robredo at iba pang matataas na opisyal ng pamahalaan na taunang imbitasyon sa pakikiisa sa mahalagang selebrasyon ng simbahan.

Ang Pope’s Day ay pagbibigay ng karangalan sa kontribusyon ng Santo Papa sa pagpapayaman ng pananampalatayang katoliko.

Ang Santo Papa bilang visible head ng universal church ay may katungkulan na patatagin at pagkaisahin ang mananampalataya tungo kay Kristo.

Base sa pinakahuling tala, umaabot na sa 1.3 bilyon ang bilang ng mga Katoliko sa buong mundo.

Sa kabuuan ang simbahang katolika ay may 266 na Santo Papa na ang karamihan ay mula sa Roma at Italya.

Si Pope Gregory V ang kauna-unahang Santo Papa na isang Aleman, habang si Pope Francis naman ang kauna-unahang Santo Papa na isang Heswita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 45,948 total views

 45,948 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 41,817 total views

 41,817 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 78,019 total views

 78,019 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 86,756 total views

 86,756 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 112,187 total views

 112,187 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top