Diocese of Cabanatuan, nagpapasalamat sa PNP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 647 total reads

Labis ang pasasalamat ng Diocese ng Cabanatuan sa Philippine National Police sa patuloy na masusing Imbistigasyon hinggil sa pagkakapaslang kay Rev. Fr. Richmond Nilo.

Ayon kay Rev. Fr. Noel Jetajobe, Vicar General at tagapagsalita ng Diyosesis, bukod tanging katotohanan at katarungan para kay Fr. Nilo ang hangad nilang makamit.

Ang pahayag ng Pari ay kaugnay sa pagkakahuli kay Omar Mallari noong Biyernes sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga na umamin sa krimen.

“Kami ay totally dependent sa effort ng PNP and in many ways ay nagpapasalamat kasi nakita naman yung effort nila, ngayon para sa amin kung ano man ang kalalabasan nito katulad ng sinasabi namin yun lang po sana ang katotohanan yun lang din naman po yung hinahanap namin nothing but the truth para wala na rin pong inosenteng tao ang magsuffer or mabigyan ng hustisya si Fr. Richmond Nilo.” pahayag ni Fr. Jetajobe sa Radio Veritas.

Bukod dito kinilala rin ng Diyosesis ang Desisyon ng Korte na pagwawalang sala sa naunang Suspek na si Adell Roll Milan dahil sa Mistaken Identity at kawalan ng sapat na Ebidensiya laban sa kaniya.

Sinabi ni Fr. Jetajobe na kung Inosente si Milan ay nararapat lamang itong palayain upang maiwasan ang pagkabiktima ng kawalan ng katarungan.

“Ngayon kung wala naman po talaga siyang kasalanan ay siyempre tama lang din naman yun dahil ayaw naman namin ng double injustice sa bagay na ito. Pinagdasal din po namin na kahit sabihin natin noong una initially siya yung itinuturo, na kung hindi siya ay sana mabigay ang nararapat na Hustisya para kay Mr. Milan.” dagdag ng pari.

Ipinagpatuloy din ng PNP ang Imbestigasyon sa pagkakahuli kay Mallari lalo’t may ilang mga pangalan itong binanggit na may kaugnayan sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo at ang dahilan sa pagpaslang sa Pari.

Kasabay ng pananalangin para sa katarungan ni Fr. Nilo, ipinapanalangin din nito ang pulisya na magampanan ang tungkulin sa paghahanap ng katarungan hindi lamang sa 3 paring biktima ng pamamaslang kundi maging sa lahat ng biktima ng karahasan sa lipunan.

Una nang kinundena ng Simbahang Katolika ang sunod-sunod na pagkapaslang sa mga Pari sa bansa at nanawagan sa mga Otoridad na paigtingin ang pagprotekta sa bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 9,810 total reads

 9,810 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 51,619 total reads

 51,619 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 158,495 total reads

 158,495 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 203,162 total reads

 203,162 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 224,976 total reads

 224,976 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top