Food sufficiency, hindi prayoridad ng administrasyong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 371 total views

Nanawagan ang grupo ng Bantay Bigas sa pamahalaan na seryosohin ang pagtutok sa kakapusan ng pagkain sa bansa.

Ayon kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng grupo, malaking suliranin sa bansa ang kakulangan sa pagkain dahil hindi prayoridad ng kasalukuyang administrasyon ang katiyakan sa pagkain ng mga Filipino.

“Seryosohin nila ang pagresolba sa kakapusan natin ng pagkain dahil ang Pilipinas ay isang agricultural country. Sa ngayon ay hindi prayoridad ng rehimeng Duterte yung pagkamit natin sa kasiguruhan natin sa pagkain.” pahayag ni Estavillo sa Radio Veritas.

Ito ay kasunod ng panukala ng National Food Authority na taasan ng 8-piso kada kilo ang presyo ng pagbili ng palay sa mga magsasaka sa bansa na kasalukuyang nasa 17 – piso lamang kada kilo.

Sinabi ni Estavillo na magandang balita ito para sa mga magsasaka ngunit duda itong maisakatuparan matapos tanggihan ng NFA Council noong Pebrero ang 2 – pisong pagtaas.

Naniniwala rin ang grupo na malaking tulong para sa mga magsasaka ang panukala ng NFA na 25- piso kada kilo ng palay upang hindi malugi sa pagbenta ng kanilang produkto.

Batay sa pagsusuri ng Bantay Bigas sa Guimba Nueva Ecija, lumalabas na 62- libong piso ang ginagastos ng mga magsasaka sa kada ektarya ng lupang sakahan mula sa pagtanim hanggang sa pag-ani ng mga palay.

“Yung latest research namin dito sa Guimba Central Luzon ay umaabot siya ng P62, 000.00 per hectare per cropping so ganun kataas ang ginagastos ng mga magsasaka na halos lahat yan ay inuutang nila dahil wala naman silang mapagkukunan ng panggastos sa pagsasaka.” dagdag ni Estavillo.

Kabilang sa mga suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka sa bansa ang kakulangan sa irigasyon kung saan sa kabuuang 3.4 na milyong ektaryang lupa na may tanim ng palay halos kalahati lamang ang napapatubigan habang ang iba ay umaasa sa ulan at ang kakulangan sa post harvest facilities tulad ng farm to market roads at drying facilities.

Sa pagsusuri pa ng grupo dapat 120 kaban ng palay ang aanihin sa bawat ektarya ng lupang sakahan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino sa bigas.

Unang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na dapat bigyan ng kauukulang pansin ang mga magsasaka na malaki ang naiambag sa lipunan at mamamayan sa pagkakaroon ng pagkain sa hapag-kainan ng bawat pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 62,874 total views

 62,874 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 58,743 total views

 58,743 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 94,945 total views

 94,945 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,106 total views

 103,106 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,180 total views

 127,180 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top