Hulihin ang mastermind sa pagpatay kay Father Nilo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 771 total reads

Kinakailangang mahuli at mapanagot ng mga otoridad ang utak o ang mastermind sa pagpaslang kay Rev. Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ito ang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity kasunod ng pagkakahuli ng mga otoridad kay Omar Mallari na umamin sa krimen ng pagpatay kay Fr. Nilo.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi sapat na mahuli ang binayarang hitman ng Pari sa halip ay dapat na mahuli at mapanagot ang mastermind upang mabigyang katarungan ang krimen.

“Titingnan natin na talagang mahanap yung mastermind at yung dahilan ng pagpatay sa kanya upang panagutin ang mga taong nagbayad. Mahalaga dito hindi lamang yung binayaran yung nagbayad na siya ay mapatay kaya sana ay ito’y makuha ng mga pulis at managot sa kanyang kasamaang ginawa…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nahuli si Omar Mallari noong Biyernes ika-29 ng Hunyo sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga na naglahad pa ng ibang pangalan na may kaugnayan sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo.

Nauna namang nagpaabot ng pasasalamat ang Diocese of Cabanatuan sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police upang tuluyang mabigyan ng katarungan ang marahas na pagkamatay ng Pari.

Sa tala, si Fr. Nilo na ang ikatlong pari na napaslang sa loob lamang ng nakalipas na 6 na buwan.

Ang una ay si Fr. Marcelito “Tito” Paez ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija noong ika-4 ng Disyembre ng nakalipas ng taong 2017 na nasundang ng pagpaslang kay Rev. Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese of Tuguegarao noong ika-29 naman ng Abril ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 74,757 total reads

 74,757 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 153,085 total reads

 153,085 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 186,533 total reads

 186,533 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 221,830 total reads

 221,830 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 445,340 total reads

 445,340 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top