Administrasyong Duterte, Nagdulot ng pahirap sa mamamayang Filipino sa nakalipas na 2-taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total reads

Naniniwala ang IBON Foundation na malaki ang naiambag ng reporma sa pagbubuwis ng Pamahalaan o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law sa patuloy na pagtaas ng Inflation Rate sa Bansa.

Ayon kay IBON Executive Director Rosario Bella Guzman, ang mataas na Inflation Rate ay bunsod ng paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado at pagtaas ng presyo ng bilihin.

Itinuturing ng grupo na kawalan ng damdamin ng Pamahalaan ang pagpatong ng buwis sa presyo ng produktong petrolyo sa Bansa dahilan nang pagtaas ng Inflation Rate.

“It’s the Insensitivity sa Government na naglagay siya ng isang consumption tax o ang TRAIN Law na ini-impose dahil pinatong yun mismo doon sa tumataas na presyo ng langis, kumbaga dinagdagan pa, so inflationary talaga yung maglagay ka ng tax on diesel for example or Kerosene tsaka LPG kasi marami ang produkto na nakadepend doon yun talaga ang nagtulak sa inflation at its highest.” pahayag ni Guzman sa Radio Veritas.

Sa pagsusuri ng grupo nangunguna sa may pinakamataas na presyo ang produktong gulay, karne, mais at bigas.

Nilinaw ng IBON Foundation na nangangahulugan na ang pagkain ang pinakaapektado sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil maliban sa paggamit ng Liquified Petroleum Gas (LPG) sa pagluluto, gumagastos din ang mga mangangalakal sa Transportasyon sa pagdala ng mga produkto sa mga pamilihan sa Bansa.

Samantala, ibinahagi rin ng IBON Foundation na nangunguna ang Pilipinas sa Asya na may pinakamataas na unemployment rate o mga mamamayang walang trabaho na naitala sa 9.1 – porsiyento.

Bukod pa rito ang 5,400 mga Filipinong umaalis sa bansa araw-araw upang makipagsapalaran sa ibayong dagat at ang mahigit sa 2-milyong Discouraged Workers na inalis ng Pamahalaan sa talaan ng Labor Force.

Sa kabuuang pagsusuri ng IBON Foundation, lumabas na umiigting ang paghihirap ng mga mamamayan sa Pilipinas sa nagdaang mahigit 2-taong panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Makikita natin na talagang umigting at tumindi ang pahirap sa mamamayan nitong nakaraang 6 na buwan lang kung titingnan natin nagkaroon lang ng Precedent o naumpisahan noong 2 taon nga ng kasalukuyang nanunungkulan.” dagdag pa ni Guzman.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, kung mabibigyan ng sapat at marangal na trabaho ang lahat ng mamamayan ay maghahatid ito kaunlaran hindi lamang sa Bansa kundi maging sa pamilya ng mga nangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 72,429 total reads

 72,429 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 150,957 total reads

 150,957 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 184,405 total reads

 184,405 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 219,702 total reads

 219,702 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 443,295 total reads

 443,295 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top