Hulihin ang mastermind sa pagpatay kay Father Nilo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

Kinakailangang mahuli at mapanagot ng mga otoridad ang utak o ang mastermind sa pagpaslang kay Rev. Fr. Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan, Nueva Ecija.

Ito ang binigyang diin ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity kasunod ng pagkakahuli ng mga otoridad kay Omar Mallari na umamin sa krimen ng pagpatay kay Fr. Nilo.

Giit ni Bishop Pabillo, hindi sapat na mahuli ang binayarang hitman ng Pari sa halip ay dapat na mahuli at mapanagot ang mastermind upang mabigyang katarungan ang krimen.

“Titingnan natin na talagang mahanap yung mastermind at yung dahilan ng pagpatay sa kanya upang panagutin ang mga taong nagbayad. Mahalaga dito hindi lamang yung binayaran yung nagbayad na siya ay mapatay kaya sana ay ito’y makuha ng mga pulis at managot sa kanyang kasamaang ginawa…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radyo Veritas.

Nahuli si Omar Mallari noong Biyernes ika-29 ng Hunyo sa Barangay Arenas, Arayat, Pampanga na naglahad pa ng ibang pangalan na may kaugnayan sa pagpaslang kay Fr. Richmond Nilo.

Nauna namang nagpaabot ng pasasalamat ang Diocese of Cabanatuan sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police upang tuluyang mabigyan ng katarungan ang marahas na pagkamatay ng Pari.

Sa tala, si Fr. Nilo na ang ikatlong pari na napaslang sa loob lamang ng nakalipas na 6 na buwan.

Ang una ay si Fr. Marcelito “Tito” Paez ng Diocese of San Jose, Nueva Ecija noong ika-4 ng Disyembre ng nakalipas ng taong 2017 na nasundang ng pagpaslang kay Rev. Fr. Mark Anthony Ventura ng Archdiocese of Tuguegarao noong ika-29 naman ng Abril ng kasalukuyang taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 8,672 total reads

 8,672 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 43,734 total reads

 43,734 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,218 total reads

 80,218 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,429 total reads

 98,429 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,304 total reads

 182,304 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 39,196 total reads

 39,196 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top