Charter Change, Hindi tugon sa mga problema ng Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 672 total reads

Nakikiisa ang grupo ng mga manggagawa sa maraming Filipinong tutol sa panukalang pagpapalit ng Konstitusyon sa Bansa.

Ayon kay Nagkaisa Labor Coalition Spokesperson Rene Magtubo, bagamat hindi perpekto ang 1987 Constitution, maraming magagandang Probisyon ang napapaloob dito na hindi naipatutupad ng Pamahalaan.

“Kami naniniwala na ang 1987 konstitusyon bagamat hindi perpekto ay maraming magagandang provisions diyan na hindi pa na-implement.” pahayag ni Magtubo sa Radio Veritas.

Sinabi ni Magtubo na nangunguna dito ang paglabag ng maraming Pulitiko sa Bansa sa Anti-Dynasty kung saan halos iisang pamilya ang nakaupo sa iba’t ibang Posisyon sa Pamahalaan.

Dagdag pa ni Magtubo, naisasantabi rin ng pamahalaan ang karapatan ng mga manggagawa sa tamang pasahod, Security of Tenure, Reporma sa lupa at maging ang pag-aari ng mga Filipino sa mga Negosyo sa Bansa.

Iginiit din nitong hindi masosolusyunan ng pagpapalit ng Konstitusyon ang mga umiiral na suliranin sa lipunan tulad ng Mababang Pasahod sa mga manggagawa, Kontraktuwalisasyon at Kawalan ng Oportunidad na makahanap ng trabaho.

“Kaya kami hindi kami solve doon (Federalismo) at nakikiisa kami sa more than 67% ng ating populasyon na tumututol sa sa Federalism, sa halip ay nagmumungkahi kami sa kasalukuyang Administrasyon na tugunan ang pangkabuhayang problema ng mamamayan.” dagdag pa ni Magtubo.

Naunang nagbabala ang ilang mambabatas sa mga nagsusulong ng Federalismo na huwag itong madaliin dahil kailangan ito ng masusing pag-aaral at pagsusuri dahil maaring ito ay makakaapekto hanggang sa susunod na Henerasyon.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, 67% ng mga Filipino ang tutol na mapalitan ang kasalukuyang Unitary Form of Government sa Pilipinas tungo sa Federalismong sistema ng Pamamahala.

Samantala, nanawagan naman si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na bilang isang mabuting mamamayang Kristyano ay dapat na makisangkot at makibahagi ang bawat isa sa mga usaping Panlipunan tulad na lamang ng pagpapalit ng Konstitusyon bilang bahagi ng tungkulin sa isang Malaya at Demokratikong Bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 27,174 total reads

 27,174 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 50,630 total reads

 50,630 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 88,006 total reads

 88,006 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 119,274 total reads

 119,274 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 193,143 total reads

 193,143 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 284,868 total reads

 284,868 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 27,175 total reads

 27,175 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top