Critical collaboration ng pamahalaan at simbahan, palalakasin pa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 401 total views

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Simbahan sa pamahalaan.

Ito ang tiniyak ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Permanent Committee on Public Affairs upang mas mapabuti ang ugnayan ng dalawang institusyon.

Ayon sa Obispo, napakahalagang mapapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at Simbahan upang mapanatili ang pagkakaisa ng bansa.

“Magtutuloy-tuloy ang dialouge, kami sa Permanent Committee on Public Affairs ang mag-uugnay sa simbahan at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.” pahayag ni Bishop Evangelista sa Radio Veritas.

Magugunitang ika – 28 ng Hunyo ng taong kasalukuyan ay nagpulong ang Philippine National Police at ang CBCP para pag-usapan ang pagkakapaslang sa 3 pari ng Simbahang Katolika at ang patuloy na malawakang kampanya kontra iligal na droga kung saan sa tala ng mga human rights group mahigit sa 20 – libo na ang napaslang.

Bukod dito, palalakasin din ang pakikipagtulungan ng Simbahan sa pangunguna ng Military Ordinariate of the Philippines sa mga tagapagpatupad ng batas para mas mapaunlad at maging maayos ang implementasyon ng mga batas sa Pilipinas.

“Ang mga Obispo ng CBCP, kasama ang Military Ordinariate ay patuloy na makikipag-ugnay sa mga nagpapatupad ng batas at sa ngayon ay may ilang mga Chaplains ng PNP na nakikipag-usap sa akin na magkakaroon pa kami ng pagtutulungan para tuloy-tuloy ang internal cleansing ng PNP para lalo pang mapaunlad at maiayos ang mga gawain.” dagdag ng Obispo.

Sa tala mayroong 130 mga Pari na naglilingkod sa PNP at AFP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Umaasa si Bishop Evangelista na sa pamamagitan ng pagpapaigting sa pagtutulungan ng Simbahan at Pamahalaan ay magkakaroon ng pagkakaisa ang bawat mamamayan tungo sa pag-unlad at pagkamit ng kapaypaan sa bansa.

Una nang binigyang diin sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng sektor sa lipunan upang mas lalong maitaguyod ang pagkakaisa ng bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 102,480 total views

 102,480 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 146,088 total views

 146,088 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 228,045 total views

 228,045 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 236,657 total views

 236,657 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top