Buhayin ang kamalayan ng mamamayan, Layon ng PCNE5

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 353 total reads

Nilalayon ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) na buhayin ang kalooban at kamalayan ng bawat isa sa mga nangyayari sa Bayan sa pananaw ng Mabuting salita ng Diyos.

Dahil dito, umaasa si CBCP- Episcopal Commission on the Laity Chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na magsilbing daan ang PCNE5 upang maihanda ang mga Layko at lahat ng Pari at mga Relihiyosong Delegado para sa nakatakdang State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Obispo, nawa ay magising ng pagtitipon ang kamalayan ng bawat isa sa mga nangyayari sa Bayan at mahimok ang mga itong maging Misyunero sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga usaping Panipunan.

Inihayag ni Bishop Pabillo na marapat lamang na tumutok at suriin ng bawat mamamayang Filipino ang nakatakdang ikatlong SONA ni Pangulong Duterte.

Ayon sa Obispo, hindi lamang dapat marinig at malaman ang ulat sa bayan ng Pangulong Duterte kundi maging mapanuri ang mamamayan sa kung ano ang totoo o hindi at kumilos upang mapanindigan ang pagsusulong ng katotohanan.

“Yang PCNE, yan po ay para magkaroon ng New Evangelization buhayin ang kalooban ng mga tao tungkol sa nangyayari ngayon at sila’y maging bahagi, maging Misyunero kaya yung PCNE ay parang naghahanda sa atin na sana may kahandaan sila na pagdating ng SONA tulad ng ginawa natin See, Judge, Act. Tingnan nila yung mga sinabi totoo ba o hindi, na sila’y panindigan nila ano yung tama, ano yung mali at sila’y kumilos. So sana itong PCNE ay maging paghahanda sa mga tao na mas maging Engage sa larangan ng buhay na ipinapasok ang pananampalataya.“ pahayag ni Bishop Pabillo.

Nagsimula ang limang araw na Philippine Conference on New Evangelization noong ika-18 ng Hulyo kung saan inilaan ang unang 2 araw ng pagtitipon para sa mga Clergy at Religious mula sa iba’t ibang Kongregasyon at Diyosesis sa buong Bansa.

Tema ngayong taon ang “Moved with Compassion… Feed the Multitude” na naglalayung mapalalim pa ang kamalayan ng mga mananampalataya sa pagbabahagi ng habag sa kapwa.

Batay sa tala ng pamunuan ng PCNE, umabot sa 7,000 ang kabuuang bilang ng mga Delegado ngayong taon kung saan sa bilang na ito 3,000 ang mga Religious at Clergy.

Nagtapos ang PCNE5 noong Linggo, ika-22 ng Hulyo sa UST.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 37,037 total reads

 37,037 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 263,430 total reads

 263,430 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 156,897 total reads

 156,897 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 250,928 total reads

 250,928 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 293,402 total reads

 293,402 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top