Palawakin ang Pagtulong sa mga nangangailangan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399 total reads

Ito ang layunin ng muling pagbubukas sa ikapitong Segunda Mana Expo ng Caritas Manila na ginanap sa Victory Mall sa Monumento Caloocan City ngayong araw na ito ika – 24 ng Hulyo.

Dahil dito, inaanyayahan ni Rev. Fr. Anton CT Pascual ang Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas 846 ang mga mamamayan na bumili ng mga segunda manang gamit sa abot kayang halaga upang makatulong na rin sa mga Benepisyaryo ng Segunda Mana project.

Ibinahagi ni Fr. Pascual na ang kikitain ng Segunda Mana ay itutustos sa mga kabataang nais mag-aral ngunit walang sapat na kakayahang Pinansiyal.

“Ang napagtitindahan dito ay itutulong natin sa ating scholarship program ng Caritas Manila mayroon tayong 5-libong scholar sa buong Bansa.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ang mga gamit na ibinebenta sa Segunda Mana ay mga donasyon mula sa mga Kumpanya, Grupo at Indibidwal na nakikiisa sa adhikain ng Simbahang Katolika na abutin ang higit na nangangailangan sa lipunan.

Layunin din ng Caritas Manila na palawakin ang Scholarship program na Youth Servant Leadership Program (YSLEP) upang mas marami pang kabataan ang makapag-aral.

“Inaasahan po nating makapagpapaaral pa tayo at makapagpatapos ng mga kabataan para sa kanilang kinabukasan.” dagdag ni Fr. Pascual.

Bukod sa Scholarship program ay natutulungan din ng Segunda Mana, ang halos 400 pamilya sa pamamagitan ng mga livelihood program kung saan bumibili ito ng mga Segunda manang mga gamit at muling ibinebenta sa kani-kanilang mga lugar.

Samantala, nagpapasalamat naman si Fr. Pascual sa pamunuan ng Victory Malls sa pangunguna ni Mr. Nelson Ching sa kabutihang loob na maglaan ng puwesto para sa Segunda Mana Charity Outlet sa anim na Establisimiyento ng Victory Malls.

Ayon naman kay Ms. Ricci Mangio, ang namumuno sa Leasing Department ng Victory Malls, ang pagbibigay ng libre sa mga Espasyo ng Caritas Manila sa kanilang mga Malls ay bilang pakikiisa sa mga Proyekto ng Simbahan na paglingap sa mahihirap na Sektor ng lipunan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan, mahalagang matulungan ang mga maliliit na Sektor na kadalasang naisasantabi sa lipunan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,135 total reads

 8,135 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 9,674 total reads

 9,674 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 21,277 total reads

 21,277 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 58,655 total reads

 58,655 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 89,925 total reads

 89,925 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 165,970 total reads

 165,970 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 259,149 total reads

 259,149 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 8,136 total reads

 8,136 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top