Patuloy na pagbabalewala ng Gobyerno sa hinaing ng mamamayan, Pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 445 total views

Lubhang mapanganib sa mamamayan kung patuloy na balewalain ng pamahalaan ang hinaing ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, napakahalagang matugunan ng pamahalaan ang mga usaping nakakaapekto sa buhay ng bawat Filipino.

Tinukoy ng Obispo ang kasalukuyang pasanin ng mamamayan bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa dulot na rin sa ipinatupad na reporma sa pagbubuwis na nagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.

“The TRAIN Law has made everything expensive and that is very dangerous things if the Government do not listen to the pleas of the people.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na labis ang epekto nito sa mahihirap na sektor sa lipunan at sa mga taong napapabayaan.

Sinabi ni Bishop Bastes na mahalagang kumilos na ang lipunan sa pangunguna ng pamahalaan na malutas ang mga suliraning nakakaapekto sa Ekonomiya ng Bansa.

Sa inilabas na pag-aaral ng Philippine Statistics Authority noong Hunyo, naitala ang 5.2 porsiyentong pagtaas ng inflation rate sa bansa dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung saan nangunguna dito ang mataas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mais at palay.

Sa kabila ng ulat ng pamahalaan na pangalawa ang Pilipinas sa may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa Asya mataas pa rin ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho.

Nagbabala din ang IBON Foundation na tataas ang presyo ng bigas sa panukalang “Rice Tariffication” o pag-alis sa itinakdang limitasyon o “Quantitative Restriction” sa mga angkat na bigas at pagpataw ng 35-percent tariff sa rice import.

Sa pananaliksik ng IBON Foundation, mahigit sa 4 na milyon bukod pa dito ang mahigit 5 libong araw-araw umaalis sa bansa upang makipagsapalaran sa ibang bansa.

Patuloy naman ang Simbahang Katolika sa paggawa ng mga hakbang upang makatulong sa bawat mamamayan sa bansa tulad na lamang ng pagbibigay ng libreng pagsasanay upang makahanap ng disente at maayos na pagkakakitaan lalo na ang mga mahihirap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 26,263 total views

 26,263 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 52,914 total views

 52,914 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 147,972 total views

 147,972 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 169,524 total views

 169,524 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 182,798 total views

 182,798 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top