Stop TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Dapat ihinto ng pamahalaan ang pagpapataw ng buwis sa mga produktong langis.

Ito ang inihayag ni Rosario Bella Guzman, Director ng IBON Foundation kaugnay sa muling pagtaas ng inflation rate sa bansa na naitala sa 5.7% nitong buwan ng Hulyo base sa datos Philippine Statistics Authority.

Ayon kay Guzman, tumataas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado na pang tumataas sa Pilipinas dahil sa ipinapataw na buwis, excise at value added tax.

Binigyan diin ni Guzman na ang ipinatupad ng pamahalaan na reporma sa pagbubuwis o ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law ay nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin na lalong nagpapabigat sa pasanin ng mamamayan.

“Ang masasabi lang namin sa tuloy-tuloy na pagtaas for the last 7 months na pagtaas ng presyo ng bilihin is mostly TRAIN [Law] triggered, ito ay itinulak talaga ng pagbubuwis ng mga petroleum products, sa iba pang mga produkto and commodities. The government should inhibit o should stop dun sa pagbubuwis sa petroleum products excise and value addd tax.” pahayag ni Guzman sa Radio Veritas.

Sa pag-aaral ng IBON Foundation, sa tinatayang 30 porsiyentong pinakamahirap sa bansa mas mataas pa sa 5.7 porsiyento ang inflation na kanilang nararanasan dahil mas higit na tumaas ang presyo ng mga pagkain.

Anila, tinatayang nasa 60 milyong mahihirap na Filipino ang mababawasan ng kanilang kita dulot sa pagtaas ng inflation rate.

Halimbawa ang mga kumikita ng mahigit sa 7-libong piso kada buwan ay nababawasan ng 993-piso at ang kumikita ng 21-libong piso ay nababawasan naman ng mahigit sa 2 libong piso.

Ipinaliwanag ni Guzman na labis ang epekto nito sa mga mahihirap sa bansa dahil ang spending pattern sa nasabing sektor ay 60 porsiyento ng kanilang gastusin ay sa pagkain.

Dahil dito umapela ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Simbahang Katolika sa pamahalaan na suriin at ihinto ang pagpapatupad ng TRAIN Law dahil lalo itong nagpapahirap sa mamamayan lalo na sa mga walang sapat na pinagkakakitaan at kabuhayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 33,479 total reads

 33,479 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 260,087 total reads

 260,087 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,554 total reads

 153,554 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,585 total reads

 247,585 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 290,229 total reads

 290,229 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top