TRAIN law, Binigyang katwiran ng DOF

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 487 total reads

Iginiit ng Department of Finance na marami ang naging benepisyo sa naunang ipinatupad na Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law 1.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Joselito Lambino II, maliit na porsiyento lamang ang idinulot ng TRAIN law sa pagtaas ng inflation rate sa bansa.

“Sa totoo lang mayroon namang contribution ang TRAIN [Law] sa pagtaas ng presyo, kaso limitado ito kumpara sa naiisip ng nakararami, the rest galing po yan sa other factors tulad ng presyo ng oil import. Marami tayong benepisyo na natatanggap sa ngayon [TRAIN Law].” pahayag ni Lambino sa Radio Veritas.

Sinabi ni Lambino na halos 9 na sentimo lamang o 9 na pisong dagdag sa bawat gastos ng mga mamamayan ang dulot ng ipinatupad ng pamahalaan na reporma sa pagbubuwis.

Iginiit nito na ang malaking salik sa pagtaas ng inflation sa Bansa ay nagmumula sa ibang bagay tulad ng pagtaas ng presyo ng produktong langis sa pandaigdigang pamilihan, kakulangan ng suplay sa pagkain dulot ng pabago-bagong panahon.

Ipinaliwanag ni Lambino na nakikinabang ang mamamayan sa pagpapababa ng personal income tax kung saan nadadagdagan ang inuuwing sahod ng mga manggagawa.

Bukod pa ang pagbaba sa Estate Tax mula 20 porsiyento tungo sa 6 na porsiyento lamang at nakatakda ring aalisin sa susunod na taon ang ipinapataw na buwis sa mga gamot tulad ng gamot sa hypertension, high cholesterol at diabetes.

Sa 5.7 porsiyentong Inflation Rate sa Bansa noong Hulyo, nangunguna pa rin dito ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain na isinisi ng karamihan sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong langis sa Bansa dulot ng TRAIN Law.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika nararapat lamang na isaalang – alang ng mga namumuno sa Bansa ang kapakanan ng bawat mamamayan sa bawat repormang ipinatutupad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 30,356 total reads

 30,356 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 257,212 total reads

 257,212 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 150,679 total reads

 150,679 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 244,709 total reads

 244,709 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 287,499 total reads

 287,499 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top