Hospicio de San Jose, Umaapela ng tulong sa DPWH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Umaapela ng tulong ang pamunuan ng Hospicio de San Jose sa Department of Public Works and Highways kaugnay sa dalawang pader na natibag sa kaliwang bahagi ng lugar na pumuprotekta sa Institusyon sa pagpasok ng tubig mula sa Pasig River.

Ayon kay Sr. Maria Socorro Pilar G. Evidente, DC – Administrator ng Hospicio de San Jose, naunang naipangako ng DPWH ang pagsasagawa ng perimeter wall ng Institusyon ngunit magpa-hanggang sa ngayon ay hindi pa rin ito naisasaayos.

Bukod dito ibinahagi rin ng Madre na may Erosion o Pagguho din ng lupa ang nagaganap sa naturang bahagi kaya’t halos 2-taon na ring hindi nagagamit ang isang Dormitoryo ng Institusyon na dapat ay para sa mga bata.

“Kaya nga nananawagan din ako sa DPWH kasi may pangako sila na tatapusin nila ang perimeter wall, alam nila yan nakita na nila yang lugar na yan dun sa left side na may mga natibag na diyan, meron na diyan nag-erosion na nga, may pumasok na ngang tubig kaya ang isang Dormitory naming pang-nursery ay na-vacate na nga for 2-years kasi may Erosion and yet yun nga hindi pa nila nari-repair.” pahayag ng Madre sa Radio Veritas

Pagsasalarawan pa ng Madre, dahil sa wala na ang pader na pumoprotekta sa institusyon mula sa tubig sa Pasig River ay halos pantay na ang tubig ng ilog sa institusyon lalo na’t nagkasabay pa ang high-tide at ang lakas ng ulan.

“So bale you could imagine na wala na yung wall na facing the river instead yung ground namin pantay na ng tubig sa river…” dagdag pa ni Sr. Evidente.

Bukod dito, umapela rin ang Madre ng panalangin upang hindi na muling tumaas pa ang tubig sa ilog lalo na’t dalawang bangka lamang ang maaring magamit upang mai-evacuate ang mga residente sa institusyon na mapanganib rin para sa iba pang mga kawani at volunteers.

“Prayers na hindi na tumaas dahil hindi namin kakayanin, we only have 2 bangka here tapos at risk din yung mga personnel namin at saka mga College Students namin who were helping in the Evacuation.” panawagan ng Madre

Batay sa tala mayroong 300 residents ang Hospicio de San Jose kabilang dito ang mga kinukupkop ng institusyon na mga abandonadong bata, sanggol, mga naabusong kababaihan, may mga sakit, may kapansanan at mga matatanda.

Ang Hospicio de San Jose ang itinuturing na pinaka-matagal ng Catholic Charitable Institution sa Bansa na naitatag noong 1810 at pinamamahalaan ng Daughters of Charity of St. Vincent de Paul.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,571 total reads

 10,571 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,868 total reads

 238,868 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,334 total reads

 132,334 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,363 total reads

 226,363 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,184 total reads

 270,184 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top