Sakulin’ at healthy food items kabilang sa relief packs ng Caritas Damay Kapanalig sa mga biktima ng Habagat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 580 total reads

Kasama sa mga ipinamahaging tulong ng Caritas Manila ang ‘Sakulin’na isang all purpose tarpaulin’ na maaring gamitin bilang higaan, partisyon at pansamantalang bubungan sa panahon ng paglikas tuwing tag-ulan.

Ayon kay Fr. Ric Valencia, priest in-charge ng Caritas Damayan, isa rin itong paraan ng Caritas na gamitin ang mga lumang tarpaulin bilang bagong gamit.

“Maraming purpose yan. Iyan po ang pinamimigay natin para hindi masayang ang mga ganyang material at magkaroon ng panibagong gamit. Even the old tarpaulins we convert them into bags para ma-exercise din natin ang pangangalaga sa kalikasan,” ayon kay Fr. Valencia.

Dagdag pa ng pari, kasama din sa mga relief packs ng Caritas ang mga ‘healthy food items’ bilang kapalit ng mga delata hindi lamang bilang pamatid gutom kundi para sa kabutihan ng kanilang kalusugan.

Bawat relief packs ng Caritas Manila ay nagkakahalaga ng P600-pesos.

Kabilang sa mga napadalhan ng tulong ang Marikina, San Mateo, Rodriguez, Baseco sa lungsod ng Manila, Malabon, Caloocan at Quezon City.

“Unti-unti nating pinapalitan yung mga ibang delata ng mga pagkain na healthy options. Mga pagkain na makakatulong hindi lang sa pagtawid ng gutom kundi pati na rin sa kanilang kalusugan. Kasi kung natin sila binigyan ng pagkain na hindi nakakatulong sa kalusugan para na rin natin silang hindi natulungan kundi lumala pa ang kanilang kalagayan,” ayon kay Fr. Valencia.

Sa ulat, higit sa isang milyon katao ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha mula sa 713 barangay sa Region 1 at 2; Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.

Tulong-tulong naman ang limang diyosesis sa Metro Manila sa relief at rescue operations sa mga biktima ng habagat sa pamamagitan na rin ng Social Services Development Ministry ng bawat parokya.

Kabilang dito ang mga arkidiyosesis ng Manila at mga diyosesis ng Antipolo, Cubao, Caloocan at Novaliches.

Patuloy pa rin ang panawagan ng Caritas Manila sa mga nais na magbigay ng tulong para sa iba pang mga biktima ng habagat lalu’t patuloy pa rin ang mga pag-ulan na nararanasan sa malaking bahagi ng Luzon.

Naunang nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya na buksan ang kanilang simbahan sa mga nangangailangan ng tulong na biktima ng matinding pagbaha.

Read more: Cardinal Tagle,pinabubuksan ang mga Simbahan sa mga binahang residente

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,362 total reads

 9,362 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,742 total reads

 237,742 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,208 total reads

 131,208 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,237 total reads

 225,237 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,121 total reads

 269,121 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 288,548 total reads

 288,548 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 402,853 total reads

 402,853 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top