Ang buhay at kaligtasan ay iisa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 514 total reads

Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagdiriwang ng kapistahan ni Nuestra Senora de Salvacion sa Sta.Mesa, Manila.

Sinabi ni Cardinal Tagle na panatag ang tao kapag ramdam ang kaligtasan mula sa kasamaan at panganib sa lipunan.

“Payapa ang kalooban kapag tayo au ligtas.” pagninilay ni Cardinal Tagle

Ipinaliwanag ng Cardinal na hindi kailanman hinangad ng Diyos ang kasamaan sa tao kundi ninanais nitong mailigtas ang bawat mananampalataya mula sa pagkakasala.

Hinamon din ni Cardinal Tagle ang bawat dumalo sa misa na maging daan para sa kaligtasan ng kapwa sa pamamagitan ng pagpapaalala na sumunod sa kalooban ng Diyos tungo sa kaligtasan.

“Paalalahanan natin sila at maging daan tayo sa kaligtasan.” panawagan ni Cardinal Tagle

Nakasentro rin ang pagdiriwang sa pagpapalawak ng Debosyon ng Mahal na Birheng Maria lalo’t ang Nuestra Señora De Salvacion ay kilalang patrona ng lalawigan ng Albay sa rehiyon ng Bicol.

Batay sa kasaysayan dinadayo ng mga Deboto ang Diocesan Shrine ng Nuestra Seña De Salvacion sa Joroan, Tiwi Albay tuwing buwan ng Agosto hanggang Setyembre habang tuwing huling Sabado ng Agosto ay isinasagawa ang special day of veneration sa imahe kung saan nagpu-prusisyon ang mga deboto mula St. Lawrence Parish sa bayan ng Tiwi patungong sa Dambana sa Joroan na may 9 -kilometro ang layo.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng Parokya ng Birhen De Salvacion sa Sta. Mesa Manila para sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng Parokya sa susunod na taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 117,866 total reads

 117,866 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 211,893 total reads

 211,893 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 256,163 total reads

 256,163 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 279,271 total reads

 279,271 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 348,953 total reads

 348,953 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top