Pari ipinaalala sa mamamayan ang kahalagahan ng Disaster Preparedness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,245 total reads

Nagkaloob ng tulong sa may 1,000 pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng Habagat noong nakaraang linggo ang San Isidro Labrador Parish na nakasasakop sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Pinangunahan ni Rev. Fr. Gilbert Billena ang Parish Priest ng San Isidro Labrador Parish ang distribution ng relief goods para sa mga residenteng naapektuhan ng sama ng panahon.

Umaasa ang Pari na tumimo sa isip ng bawat residente sa barangay na ang usapin ng pananampalataya ay usapin din ng pagkilos para sa kapakanan ng inang kalikasan at kapwa tulad ng layunin ng disaster preparedness program ng parokya.

Ipinaalala ng Pari na dahil sa pagsasawalang bahala ng marami sa kalikasan ay hindi lamang ang kanilang sarili o ang kanilang pamilya ang napapasama kundi ang buong kumunidad.

Dahil dito, binigyang diin ni Fr. Billena na kung hindi man ganap na maiwasan ang pagbaha o iba pang mga kalamidad ay dapat na maging handa ang bawat isa upang maibsan ang epekto nito sa pamamagitan ng pakikibahagi sa mga Disaster Preparedness Programs.

“Ito yung pinapaabot natin lalo na sa ating mga kapwa Kristyano na talagang ang usapin ng pananampalataya ay usapin din ng pagkilos para sa pagtatanggol ng ating kapwa at ng ating inang kalikasan at saka importante yung disaster preparedness program ng ating kumunidad, dahil yun nga maraming walang kibo o kaya nagsasawalang bahala yun mga bagay nay un sa kanilang buhay na dapat i-inculcate sa kanila yung attitude ng preparedness o kahandaan lalo sa panahon ng tag-ulan…” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Father Billena na dapat malaman ng bawat isa na ang pagtindi ng epekto ng mga kalamidad ay dulot ng pagbabago ng klima na kasalanan ng tao dahil sa pagkakalat ng mga basura, pagto-troso at pagiging makasarili ng mga negosyante na nagtatayo ng mga istruktura sa mga lupang agrikultural.

Dahil dito hinimok ni Fr. Billena ang bawat isa na makibahagi sa panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco na pangalagaan at ipagtanggol ang kalikasan sapagkat mayroong direktang epekto ang pagkasira nito sa buhay ng mamamayan.

“Dapat malaman ng mga tao lalo na yung usapin ng climate change, usapin ng environment na talagang sirang sira na at panawagan ni Pope Francis na kalingain yung ating kalikasan, ipagtanggol natin ang kalikasan dahil sinasabi na kapag sinasaktan natin ang kalikasan, sinasaktan din natin ang ating kapwa lalo na ang mga mahihirap…” Dagdag pa ni Fr. Billena.

Ang Barangay Bagong Silangan sa Quezon City ay malapit sa Tumana River na kadalasang umaapaw at tumataas ang tubig tuwing matindi ang pag-ulan tulad ng naganap noong nakalipas na linggo dahil sa hanging Habagat at Bagyong Karding.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,068 total reads

 14,068 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,224 total reads

 95,224 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,449 total reads

 189,449 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,939 total reads

 249,939 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,114 total reads

 263,114 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,900 total reads

 17,900 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top