Mamamayan, hinimok na manindigan laban sa kultura ng patayan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total reads

Maituturing na isang kabalintunaan o “ironic” sa maalab na pananampalataya sa Panginoon ng mga Filipinong Kristyano’t Katoliko ang mga patuloy na karahasang nagaganap sa lipunan.

Inihayag Rev. Father Gilbert Billena, spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights na nangangalaga at gumagabay sa pamilya ng mga biktima ng drug-related killings na ito ang isang kataka-takang sitwasyon sa bansa.

Ayon sa Pari, maituturing na isang kabalintunaan na sa kabila ng pagiging Kristyano ng mga Filipino ay napakarami pa ring mamamayan ang sumasang-ayon at walang ginagawang hakbang laban sa nagaganap na patayan sa lipunan.

“Ngayon katanungan sa atin ito, tayo ay isang bansang napaka-Kristyano pero maraming mga mamamayan natin ang nagpapahintulot sa ganitong kultura ng kamatayan…” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radio Veritas.

Naunang inihayag ng Pari na bumagal lamang ang pagtaas ng bilang sa kaso ng patayan sa bansa ngunit nagpapatuloy pa rin ito lalo na sa mga malalayong lalawigan sa Pilipinas.

Dahil dito, muling nanawagan si Fr. Billena na hindi dapat na balewalain ang mga kaso ng karahasan partikular na ang mga pagpaslang at paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

Batay sa tala ng mga human rights group at ng mismong Philippine National Police, umaabot na sa higit 23-libo ang nasawi simula ng ipatupad ng administrasyong Duterte mas pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 106,895 total reads

 106,895 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 200,922 total reads

 200,922 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 245,191 total reads

 245,191 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 268,299 total reads

 268,299 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 338,475 total reads

 338,475 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top