Taongbayan, Apektado sa rice importation ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 523 total reads

Ang mga mamimili ang higit na apektado sa mga Polisiya sa pag-aangkat ng bigas ng Pamahalaan.

Ito ang pahayag ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng suplay at presyo ng bigas sa bansa.

“Ang mga Konsyumer lalo na ang mga mahihirap ang lalo pang pinahihirapan ng ganitong kalakaran at polisiya ng Importasyon.” pahayag ni Estavillo.

Ayon kay Estavillo, sinasamantala ng mga exporter at trader ng bigas ang binabalak ng pamahalaan na luwagan ang polisiya hinggil sa pag-aangkat ng bigas.

Ito ay sa pamamagitan ng isinusulong na Rice Tariffication Bill na naglalayong tugunan ang suliranin sa suplay at mataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.

“Ginagawa tayong tambakan ng bigas na mababa ang kalidad habang kumikita ng malaki ang mga dayuhang Negosyante. Sa kabilang banda, kumikita naman ang mga Lokal na trader at importer sa pang-iipit at pag-iimbak ng suplay ng Imported na bigas.” dagdag ni Estavillo.

Kinundena naman ng grupo ang National Food Authority sa mga nasirang inangkat na bigas mula Thailand na nadiskubre sa Subic Bay Freeport Zone at Tabaco, Albay.

Sinabi ng grupo na umaabot sa 133,000 at 23,000 kaban ng bigas ang binukbok lamang sa imbakan.

Nagbabala ang grupo sa pamahalaan na huwag gamiting dahilan ang mga binukbok na bigas upang ikatwiran ang tuluyang pag-aangkat ng mga produktong bigas.

Sa halip, hinimok ng Bantay Bigas ang NFA na paghandaan ang pagbili ng palay sa mga Lokal na magsasaka dahil malapit na ang Harvest season.

Sa pag-aaral na inilabas ng Philippine Statistics Authority, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-angkat ng NFA.

Sa kasalukuyan, isinailalim sa State of Calamity ang Zamboanga City dahil sa kakulangan ng supply ng bigas.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco kinilala nito ang mga magsasaka bilang mahalagang sektor ng lipunan dahil sa kanilang pagsusumikap na makapaghatid ng mga produktong pagkain sa bawat mamamayan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,415 total reads

 15,415 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 4,695 total reads

 4,695 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,382 total reads

 86,382 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 180,607 total reads

 180,607 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,096 total reads

 241,096 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 254,765 total reads

 254,765 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 34,570 total reads

 34,570 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top