Price control sa presyo ng bigas, ipatupad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 693 total reads

Hinimok ng grupo ng mga magsasaka ang Administrasyong Duterte na kagyat magpatupad ng price control sa presyo ng bigas.

Ayon kay Cathy Estavillo ng Bantay Bigas, hihimukin ng kanilang grupo katuwang ang National Federation of Peasant Women ang Pangulo na kumilos upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas dahil malaking epekto sa mga mahihirap.

“Itinutulak namin ang Pangulong Duterte na kagyat na maglabas ng Executive Order para sa pagtatakda ng presyo ng bigas o price control. “ bahagi ng pahayag ni Estavillo.

Iminungkahi ng grupo ang 34 hanggang 38 piso kada kilo ng bigas na mas mababa kaysa sa kasalukuyang presyo sa mga pamilihan na itinakda ng mga pribadong negosyante ng bigas.

Sinabi ng grupo na nakababahala ang kasalukuyang kalakaran ng mga pribadong trader na nagpapatupad ng mataas na presyo ng bigas na sa pagsasaliksik ng Bantay Bigas ay umaabot sa halos 80 piso kada kilo sa Zamboanga City habang sa Nueva Ecija naman na tinaguriang Rice Granary ng bansa ay umabot sa 56 na piso kada kilo.

Kinundena rin ng grupo ang pahayag ni Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na gawing legal ang rice smuggling sa bansa upang makatulong na mapanatili ang sapat na suplay ng bigas sa Pilipinas.

“Si Duterte at Piñol ay baligtad kung mag-iisip, bilang Pangulo dapat i-secure ang food security na batay sa self-sufficiency pero umaasa sa import, bilang Agriculture Secretary na ang trabaho ay palakasin ang Agrikultura para sa self-sufficiency, nagtutulak ng Import.” dagdag ni Estavillo.

Dahil dito hinimok ng grupo ang maralitang sektor na magpahayag ng kanilang saloobin at hikayatin ang Pangulo na tugunan ang suliranin sa bigas sa pamamagitan ng pagpapalakas sa lokal na produksyon.

Maging ang Simbahang Katolika sa bansa ay nananawagan sa pamahalaan na magpatupad ng mga polisiyang titiyak sa suplay sa abot kayang halaga.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 4,407 total reads

 4,407 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 9,409 total reads

 9,409 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 125,187 total reads

 125,187 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 245,767 total reads

 245,767 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 295,605 total reads

 295,605 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top