Zero budget sa DND, Hiniling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 793 total reads

Hiniling ng grupo ng magsasaka sa Pamahalaan ang zero budget para sa Department of National Defense.

Sa pahayag na inilabas ng National Federation of Peasant Women, iginiit ng grupo ang hindi paglaanan ng pondo sa ahensya dahil sa maraming paglabag sa karapatang pantao na kinasangkutan ng mga sundalo sa bansa.

Ayon kay Zenaida Soriano pinuno ng grupo, malinaw ang naging polisiya ng pamahalaan laban sa mga magsasaka na inaakusahang kasapi ng New People’s Army.

“Duterte Administration’s budget allocation for the Department of National Defense (DND) certifies its status as a ‘Killing Machine’ targeting farmer Families and Communities.” pahayag ng grupo.

Magugunitang mahigit sa 34 na porsiyento ang itinaas sa proposed budget ng DND para sa taong 2019 na mula sa kasalukuyang P136.5 bilyong piso ay magiging P183.4 bilyong piso ito sa susunod na taon.

Ang DND ang ikaapat na ahensya ng pamahalaan na may pinakamalaking budget allocation.

Samantala, sa pagtaya ng grupong Karapatan at Tanggol Magsasaka umabot na sa 150 mga magsasaka ang napaslang sa ilalim ng administrasyong Duterte kabilang ang 22 magsasakang kababaihan at 5 menor de edad.

Kinundena rin ng grupo ang patuloy na militarisasyon sa komunidad ng mga Lumad sa Mindanao kung saan higit nang naapektuhan ang mga kabataang nag-aaral.

Ayon sa Save Our Schools Mindanao, mahigit 1, 000 estudyante at 76 na mga guro ang napilitang lisanin ang lugar sa 18 forced evacuations na ipinatutupad.

“Winawasak din ng Gobyernong Duterte kahit ang simpleng mga pangarap ng mga kabataang Lumad at kanilang mga magulang na makapag-aral para panatilihin silang mangmang at tanggapin na lamang ang pagkasira ng kanilang kabuhayan at iasa ang kanilang kinabukasan sa pagpasok ng mga malalaking negosyo sa kanilang Komunidad,” dagdag ni Soriano.

Panawagan ng grupo ang karagdagang pondo at bigyang prayoridad ang mga programang higit na makatutugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika gampanin ng pamahalaan ang bigyan ng pagpapahalaga ang kapakanan ng sambayanan.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 2,980 total reads

 2,980 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 66,139 total reads

 66,139 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 7,134 total reads

 7,133 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 122,957 total reads

 122,957 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 243,537 total reads

 243,537 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 293,474 total reads

 293,474 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top