Pakikipagpulong ng Pangulong Duterte sa mga OFW sa Israel at Jordan, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang nakatakdang pakikipagpulong ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Overseas Filipino Workers bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa Israel at Jordan.

Ayon kay Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Kumisyon na ang plano ng Pangulo ay nagpapakita ng pagpapahalaga at suporta ng pamahalaan sa pagsasakripisyo ng mga OFW.

Naniniwala din ang Obispo na makapagdudulot ng karagdagang kumpiyansa at lakas ng loob sa mga OFW ang pakikipagpulong ng Pangulong Duterte sa kanilang hanay.

Maituturing din itong isang katiyakan para sa mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat na patuloy na kinikilala ng pamahalaan ang kanilang pagiging mga bagong bayani.

“To meet and to speak with our OFWs there is to give them sense of Importance and Solidarity. And reiterate to them his Gratitude for services to their Family and our Country; and his appreciation of their hard work and honesty with their Employers. And promise them with actions that he would protect their Rights, balikbayan boxes and prosecute, punish who will victimize them here.” mensahe ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Nakatakda ang official visit ni Pangulong Duterte sa Israel sa ika-2 hanggang ika-5 ng Setyembre na susundan naman ng kanyang pagbisita sa Jordan mula ika-5 hanggang ika-8 ng Setyembre.

Ang nakatakdang official visit ni Pangulong Duterte ay ang kauna-unahang pagbisita ng Pangulo ng Pilipinas sa dalawang bansa sa Gitnang Silangan.

Kabilang sa mga nakahanay na gawain ni Pangulong Duterte sa Israel at Jordan ay ang pakikipagpulong at pakikipagkasundo sa mga Opisyal ng dalawang bansa kaugnay sa usaping pang-Ekonomiya at ang personal na pakikipagpulong sa Filipino community sa parehong bansa.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs mayroong 28,300 ang mga Filipino sa Israel habang mayroon naman higit 48,000 Filipino sa Jordan.

Naunang binigyang diin ni Bishop Santos na dapat bigyang paggalang at pagkilala ang mga OFW na tinaguriang mga ‘bagong bayani’ ng bansa.

Read more: Kilalanin ang mga OFW

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 80,425 total reads

 80,425 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 174,937 total reads

 174,937 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 219,205 total reads

 219,205 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 242,314 total reads

 242,314 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 313,805 total reads

 313,805 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top