Mamamayan, inaanyayahan sa Segunda Mana Expo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

Tiniyak ng Caritas Segunda Mana ang patuloy na paglingap sa mga nangangailangan ng tulong partikular na ang pagpapaaral sa mga mahihirap na kabataan sa bansa.

Ayon kay Rev. Father Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radyo Veritas pangunahing Benepisyaryo pa rin ng Segunda Mana ang mga Iskolar ng Caritas Manila – Youth Servant Leadership Program.

“Ang napagbentahan niyan ay ibibigay sa ating Scholarship Program na may 5000 Scholars sa buong Pilipinas para makatulong tayo sa mga mahihirap na magkaroon ng magandang edukasyon sa Kolehiyo at Voc Tech at mabigyan ng magandang kinabukasan.” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng pari ay kaugnay sa pagbukas ng ika – 9 na Segunda Mana Expo sa Starmall EDSA sa Mandaluyong City ngayong araw na ito ika – 31 ng Agosto.

Nagpasalamat naman si Fr. Pascual sa Panginoon sa pagkakataong muling nakapagsagawa ng Expo dahil ito ang paraan upang mas mapalawak pa ang donation in kind program ng Simbahang Katolika.

Pinasalamatan din ng Pari ang pamunuan ng Establisimiyento na nagbigay ng libreng Espasyo para sa Segunda Mana Charity Outlet.

Dahil dito hinimok ng pari ang mga mamamayan na bisitahin ang Expo at ang mga Charity Outlets ng Segunda Mana kung saan 31 dito ay matatagpuan sa Metro Manila at karatig lalawigan habang 1 naman sa Iloilo City sa Western Visayas.

“Inaanyayahan natin ang lahat ng mga Kapanalig ngayong August 31 hanggang September 2 pumunta dito sa second floor [Starmall EDSA] at napakaraming tinda at uubusin natin lahat para makatulong tayo sa YSLEP scholarship program ng Caritas Manila.” dagdag ng Pari.

Ibinahagi ng pari na mahigit na sa sampung libo ang mga kabataang natulungang makatapos sa pag-aaral sa buong Pilipinas.

Bunsod nito nagtayo naman ng Alumni Scholarship Association ang CAMASA kung saan sila ay nagbibigay ma rin ng tulong sa mga bagong iskolar ng YSLEP.

“Last year nagdonate sila [CAMASA] ng P1.4 million pesos at ngayon ay P3 million ang i-dodonate nila.” pahayag ng Pari

Bukod sa mga iskolar ng YSLEP, natutulungan din ng Segunda Mana ang mahigit sa 400 mahihirap na pamilya sa Metro Manila sa kabuhayan nito sa pamamagitan ng pamimili ng mga abot kayang halaga ng kagamitan at muling ibinebenta sa kani-kanilang mga lugar.

Tampok sa Segunda Mana Expo ang iba’t ibang uri ng kagamitan tulad ng damit, bag, sapatos at iba pa na donasyon mula sa mga Organisasyon, Simbahan, mga Kumpanya at kilalang personalidad sa bansa partikular sa industriya ng showbiz.

Patunay ito na patuloy ang pagkilos ng Simbahang Katolika na maabot ang mahihirap na sektor sa bansa at matulungan sa simpleng pamamaraan.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 4,780 total reads

 4,780 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 7,108 total reads

 7,108 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 24,364 total reads

 24,364 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 68,771 total reads

 68,771 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 162,996 total reads

 162,996 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 223,484 total reads

 223,484 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 237,392 total reads

 237,392 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 316,494 total reads

 316,494 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 24,365 total reads

 24,365 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top