Humingi ng patawad sa Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,068 total reads

Ang paghingi ng patawad sa Panginoon at sa mga nagawan ng kasalanan ang tanging paraan upang maituwid ang anumang pagkakasala ng bawat isa.

Ito ang inihayag ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa usapin ng pagkakabunyag sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan sa iba’t-ibang bansa.

Ayon sa Obispo, bagamat mayroong kahinaang tinataglay ang bawat isa ay hindi naman ito sapat na dahilan upang hindi na pagharian ng Panginoon ang buhay ng tao.

Ipinaliwanag ni Bishop Famidico na mula sa paghingi ng tawad at pag-amin sa nagawang kasalanan ay dapat ding lumapit at tumawag ng tulong ang mga nagkasala upang masumpungan ang natatanging awa at habag ng Panginoon.

“Humingi ng patawad sa Diyos at humingi ng patawad din sa isa’t isa ito ay mahalaga sapagkat ngayon sa mga news ay muling naibabalik yung mga Scandal, yung mga Abuses ng mga Pari. Tanggapin yung mga nagawang pagkakasala at mula doon at sa tulong at awa ng Diyos ay muling Bumangon.” Pahayag ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang nauna ng inihayag ng Obispo na isang hamon at ‘Wake-up Call’ para sa mga Filipinong Pari at Obispo ang pagkakabunyang sa mga kaso ng pang-aabuso ng mga lingkod ng Simbahan upang mas maging tapat at ‘transparent’ sa lahat ng mga gawain.

Hiniling din ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valle sang pagdarasal at pag-aayuno sa kinasasangkutang eskandalo ng Simbahan.

Read: CBCP, Babalikan muli ang Pastoral Guidelines on Sexual Abuses and Misconduct by the Clergy

Sa kanyang editorial, iginiit ni Radio Veritas President Father Anton CT Pascual na dapat kilalanin at iwasto ang mga pang-aabuso ng mga alagad ng Simbahan.

Read: Kilalanin at iwasto ang pang-aabuso sa Simbahan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 76,831 total reads

 76,831 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 171,634 total reads

 171,634 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 215,902 total reads

 215,902 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 239,011 total reads

 239,011 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 310,690 total reads

 310,690 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top