Sagipin ang mga kabataan sa pagkasira ng kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,521 total reads

Ang mga kabataan ng susunod na henerasyon ang labis maapektuhan sa pagkasira ng kalikasan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, mahalaga ang tungkulin ng mga kabataan sa pagsusulong ng maayos at malinis na kapaligiran.

“Malaki ang tungkulin nila kasi sila ang dapat na mababahala dapat, kasi ang mundong ito ang tatanggapin [mga kabataan] kaya dapat mas maging involve sila tungkol dito.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Pabillo na kaakibat ng pagiging Kristiyano ay dapat pangalagaan ng mga mananampalataya ang kalikasan dahil ito ay biyayang ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Iginiit ng Obispo na ang tao rin ang sumisira sa kalikasan dahil sa kapabayaan at kawalan ng pagpapahalaga sa kapaligiran.

Dahil dito, tiniyak ng Simbahang Katolika ang patuloy na pagpapalawak ng mga programang tutugon sa suliranin sa kalikasan kaisa na rin sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa inilathalang ensiklikal na Laudato Si kung saan binibigyang pansin dito ang kahalagahan sa pagpapanatiling maayos ng kapaligiran na tahanan ng mamamayan.

“Magkakaroon po tayo ng best practices na ipapakita paano ang programa magagawa maraming posibilidad pero dapat tingan ang bawat Parokya, ang bawat school kung ano ang kaya nilang gawin para dahan-dahan nating gawin.” dagdag ng Obispo.

Batay sa pag-aaral 63, 000 toneladang basura ang nalilikha sa bansa araw-araw na sanhi ng pagbara sa mga lagusan ng tubig at nagdudulot ng pagbaha tuwing umuulan.

Sa isinagawang Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly noong ika – 1 ng Setyembre na ginanap sa Paco Catholic School Manila, tinalakay dito ang iba’t ibang pamamaraan sa pag-iwas ng makalat na kapaligiran at wastong pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan si Bishop Pabillo sa mamamayan ng Ecological Conversion.

Read more: Ecological conversion, paiigtingin sa Season of Creation

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 3,552 total reads

 3,552 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 5,882 total reads

 5,882 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 23,121 total reads

 23,121 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 66,342 total reads

 66,342 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 160,575 total reads

 160,575 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 221,063 total reads

 221,063 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 234,971 total reads

 234,971 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 314,173 total reads

 314,173 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 23,122 total reads

 23,122 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top