Greenpeace, nanawagan ng nagkakaisang pangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 691 total views

Mahalagang mamulat ang mamamayan sa kasalukuyang sitwasyon ng ating kapaligiran upang magtulungan sa pagpigil ng tuluyang pagkasira ng kalikasan.

Ito ang binigyang diin ni Yeb Saño, Executive Director ng Greenpeace Southeast Asia sa mga dumalo sa Manila Archdiocesan General Pastoral Assembly o MAGPAS sa Paco Catholic School Manila noong unang araw ng Setyembre.

“Napakaimportante ng pagtitipon ngayon, magiging malaki ang epekto nito at lalong palawakin ang kamulatan ng ating mga kababayan doon sa issue ng problema ng kalikasan at yung mga hakbang na puwede nating gawin na konkreto.” pahayag ni Saño sa Radio Veritas.

Ayon kay Saño, kailangan ng kagyat na pagtugon ang suliranin sa kalikasan dahil unti-unting nasisira ang karaniwang tirahan ng mga mamamayan dulot ng kapabayaan.

Dahil dito, hinimok nito ang mga Parokya at ang buong komunidad na magkaisang kumilos upang maibabalik ang maayos at ligtas na kapaligiran para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“Hindi kayang lutasin ng isang parish, kahit ng buong Pilipinas, so yung pakikipag-ugnayan natin sa ibang gobyerno sa ibang bansa at pati na rin yung ugnayan sa loob ng simbahan sa buong mundo ay napakaimportante.” Dagdag ni Saño.

Batay pa sa pagbabahagi nito umaabot sa 63, 000 tonelada ng basura ang nalilikha sa bansa araw-araw dahilan ng mga pagbaha sanhi ng mga baradong lagusan ng tubig.

Kinilala ni Saño ang pagpapahalaga ni Pope Francis sa kalikasan kaugnay sa inilathalang ensiklikal na Laudato Si tatlong taon ang nakalilipas kung saan ipinapanawagan nito ang kahalagahan sa pangangalaga sa kalikasan.

Naunang nanawagan si CBCP Episcopal Commission on the Laity Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ng ecological conversion.

Read: Ecological conversion, paiigtingin sa Season of Creation

Sa Pilipinas, aktibo ang Simbahang Katolika sa pagsusulong ng mga programang tumutugon sa suliraning pangkalikasan at patuloy na ipinaglalaban adbokasiyang maayos at ligtas na paligid sa bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 83,472 total views

 83,472 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 127,080 total views

 127,080 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 209,456 total views

 209,456 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 220,213 total views

 220,213 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top