Tangkilikin ang sariling atin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 735 total reads

Hinimok ng ilang grupo ang National Food Authority na gamitin para sa buffer stock ng bigas ang mga palay na binibili mula sa lokal na mga magsasaka sa bansa.

Sa pinagsamang pahayag, iginiit na dapat prayoridad ng pamahalaan ang pagbili ng palay sa lokal na produksyon sa halip na luwagan ang paraan ng pag-angkat ng bigas.

Hiniling din na itaas sa dalawampung piso ang kada kilo ng palay na bibilhin ng pamahalaan mula sa mga magsasaka upang matugunan ang mataas na gastusin sa pagsasaka na umaabot sa 65,000 piso kada isang ektaryang lupang sakahan.

Kinundena rin ng Bantay Bigas ang ginawang re-alignment ng NFA sa pondong inilaan sa pagbili ng bigas upang matiyak ang suplay ng pagkain sa bansa.

“Ginagawa nitong pambayad-utang ang budget nito sa halip na ipambili ng lokal na palay. Ang pag-asa sa importasyon ng gobyerno ay nagpapalala ng kawalan ng seguridad sa pagkain ng bansa.” pahayag ni Cathy Estavillo, tagapagasalita ng grupo.

Hinamon naman ng grupo ang pamahalaan na huwag umasa sa pag-aangkat ng pagkain dahil hindi ito makatitiyak na mapanatili ang abot kayang halagang pagkain para sa mga Filipino.

Batay sa tala ng NFA halos 4,000 metriko toneladang palay lamang ang binili nito mula Enero hanggang Hulyo habang noong nakalipas na taon naman ay 28, 000 metriko tonelada naman ang nabili nito o katumbas sa 0.15% sa kabuuang lokal na produksyon ng palay sa bansa.

Kaugnay ditto, unang hinimok ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang bawat mamamayan na palakasin ang lokal ng produksyon ng pagkain dahil ito ang bukod tanging paraan na manatiling sapat ang suplay sa komunidad.

Read more: Huwag umasa sa mga produktong inaangkat

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 69,719 total reads

 69,719 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 165,206 total reads

 165,206 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 209,474 total reads

 209,474 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 232,583 total reads

 232,583 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 304,571 total reads

 304,571 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top