Anti-Martial law protest, isasagawa sa September 21

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 313 total reads

Magsasagawa ng isang malawakang pagkilos ang iba’t-ibang grupo sa ika-21 ng Setyembre upang manindigan para sa pag-iral ng demokrasya ng Pilipinas.

Ayon kay Nardy Sabino, Spokesperson ng Promotion of Church Peoples Response ang pagkilos ay bahagi ng paggunita sa deklarasyon ng Martial Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos 46 na taon na ang nakakalipas.

Hinihikayat ni Sabino ang lahat na makiisa sa pagkilos na magsisimula sa isang banal na misa upang ipanalangin ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa bago magtipon-tipon sa Luneta ganap na alas-kwatro ng hapon.

“Iniimbitahan namin ang lahat na makiisa sa ating gagawin na misa sa ika-21 ng Setyembre bago pumunta sa malaking pagtitipon ng alas-kwatro sa Luneta…” paanyaya ni Sabino sa Radyo Veritas.

Ipinaliwanag ni Sabino na layunin ng naturang gawain na maipakita ng mamamayang Filipino ang sentimiyento para sa kalayaan ng bansa mula sa iba’t-ibang banta ng diktadura at tiranya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

September 23, 1972 ng ipatupad ng Pangulong Marcos ang Martial Law o Batas Militar ngunit September 21, 1972 ang opisyal na petsang nakasulat sa Proclamation 1081.

Sa tala aabot sa higit 3,000 ang sinasabing pinaslang dahil sa hindi pag-sangayon sa patakaran ng Administrasyong Marcos habang umaabot naman sa higit 75,000 indibidwal ang lumapit sa Human Rights Claims Board na biktima ng iba’t ibang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng Batas Militar at rehimeng Marcos.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa kung saan ang pagtutuk sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat ang dapat na mas inuuna at binibigyang halaga ng mga opisyal ng bayan.

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 3,212 total reads

 3,212 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 126,827 total reads

 126,827 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 187,322 total reads

 187,322 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 201,330 total reads

 201,330 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 281,988 total reads

 281,988 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 378,287 total reads

 378,287 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top