Pangulong Duterte, hinamong pagsilbihan ang sambayanang Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 399 total reads

Pinaalalahanan ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang ama ng bansa at dapat manilbihan hindi lamang sa iilan kundi sa buong sambayanan.

“We should understand na kahit sino pang hindi bumoto kay President Duterte ay siya ang Presidenteng nakaupo. Hindi ibig sabihin na hahatiin natin ang bansa na sa mga bumoto lamang sa kanya,” ayon kay Alejano.

Iginiit ni Alejano na dapat maintindihan ng Pangulo na ang pagkakaroon ng oposisyon o mga kritiko sa bawat administrasyon ay nagsisilbi para punahin ang maling polisiya, at mga kakulangan ng pamahalaan.

“Dahil kung anuman ang gagawin ng presidente apektado ang lahat bumoto man o hindi. Siya na nga ang Pangulo, siya na nga ang tatay natin, gusto man natin o hindi,” ayon kay Alejano sa panayam ng Veritas Pilipinas.

Ayon sa mambabatas sa panayam ng Veritas Pilipinas, inaasahan ng mga Filipino na tutugunan ng pangulo ang mga problema ng bansa tulad ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa halip na isulong ang personal na galit sa mga kritiko.

“Ine-expect natin ang Pangulo na tugunan ang mga pangunahing problema sa bansa especially now na may pagtaas ng mga bilihin, kakulangan ng mga isda at murang bigas. Kahit tayo ay archipelagic nation ay kulang tayo sa pagkain ngayon yung ang gusto nating marinig sa Pangulo kaysa sa binabalikan niya ng personal ang mga kritiko ng administrasyon,” ayon kay Alejano.

Nadismaya ang maraming Pilipino ng kanselahin ang nakatakdang press conference sa Malacanang na naging one-on-one interview kasama si Chief Legal Counsel Salvador Panelo.

Sa talakayan, ipinagtanggol ng Pangulo ang ipinapatupad na tax measures na kailangan ng bansa para tustusan ang mga proyekto ng gobyerno.

Sinabi rin ng Pangulo na ang solusyon sa pagtaas ng presyo at kakulangan ng bigas ay ang pag-aangkat mula sa ibang bansa.

Habang paulit-ulit na binanggit ng pangulo ang kanyang numero unong kritiko na si Senator Trillanes at paninindigan sa pagpapawalang bisa ng amnesty laban sa dating mutineer.

Hinamon din ng Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines na mag-aklas kung pumapanig sila kay Trillanes at naniniwalang hindi siya karapat dapat bilang pinuno ng Pilipinas.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika dapat na pinaiiral sa lipunan ang pagkakaisa tungo sa mapayapa at makatarungang pamayanan.

Hinihikayat naman ni Pope Francis sa kaniyang mga mensahe sa mga kristiyano na patuloy na ipanalangin ang mga lider ng pamahalaan sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, polisiya at grupong pulitikal na kinaaniban.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 12,193 total reads

 12,193 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 14,521 total reads

 14,521 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 31,947 total reads

 31,947 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NEW NORMAL

 81,806 total reads

 81,806 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 176,031 total reads

 176,031 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 236,520 total reads

 236,520 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 250,427 total reads

 250,427 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 328,895 total reads

 328,895 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top