Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Buy and Trade fair ng Caritas Margins, Oportunidad sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 228 total views

Tulungan ang mamamayan sa paghahanapbuhay.

Ito ang layunin ng Caritas Margins, isa sa mga programa ng Caritas Manila, social action arm ng Archdiocese ng Manila upang matugunan ang pangangailangan ng mga maliliit na negosyante sa bansa.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila at Pangulo ng Radio Veritas, mahalagang suportahan ang mamamayan para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng mga bilihin.

“Nawa matulungan natin sila [small-medium enterprise] na lumaki ang kanilang income at makalaya sa kahirapan.” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng pari na bagamat lahat ng mamamayan ay apektado ng Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) law dapat patuloy ang lahat sa pagkilos at palalakasin ang pagnenegosyo kahit sa maliliit na pamamaraan.

Inihalimbawa ni Father Anton ang pagbukas ng Buy and Give Trade Fair ng Caritas Margins sa Trinoma Mall Activity Center kung saan mahigit sa isanglibong mga produktong pagkain at kagamitan ang mabibili.

Dahil dito inaanyayahan ni Fr. Pascual ang mamamayan na bisitahin at tangkilikin ang mga produktong ibinebenta ng Caritas Margins.

Magtatagal ang Buy and Give Expo mula ika – 26 hanggang ika – 28 ng Setyembre kung saan tuwing alas singko ng hapon ay magsasagawa ng Banal na Misa bilang pasasalamat sa pagkakataon.

OPORTUNIDAD SA MAHIHIRAP

Kinilala naman ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang pagsusumikap ng Caritas Manila na tulungan ang mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Ikinatuwa ng bise alkalde ang pagdaos ng trade fair sa Quezon City dahil tugma ang layunin ng Caritas Manila sa mga adbokasiyang isinusulong nito para sa mga residente ng Quezon City, ang iangat mula sa kahirapan ang mga nasasakupan.

“Kung magbigay lang tayo ng pagkakataon sa atin pong mamamayan na nagmumula sa mahihirap na mga sektor ay kayang kaya naman nilang iangat ang kanilang pamumuhay basta’t nandiyan ang oportunidad at yan ang trabaho ng Caritas Manila ang magbigay ng oportunidad sa mga marginalized sectors ng ating lipunan.” pahayag ni Vice Mayor Belmonte sa panayam ng Radio Veritas.

Tiniyak ni Vice Mayor Belmonte na patuloy itong susuporta sa mga programa ng Caritas Manila at Simbahang Katolika.

Bukod sa mga maliliit na negosyanteng natutulungan, popondohan din ng Caritas Manila ang rehabilitasyon sa mga nasirang bahay na sinalanta ng bagyong Ompong sa Hilagang Luzon at ang scholarship program ng Caritas Manila na Youth Servant Leadership Program na may higit 5, 000 iskolar sa buong bansa.

Patunay ito sa konkretong hakbang ng Simbahan sa pag abot sa mga nangangailangan ss lipunan lalo na ang mahihirap na sektor.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 1,264 total views

 1,264 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 12,748 total views

 12,748 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 28,437 total views

 28,437 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 29,331 total views

 29,331 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 39,623 total views

 39,623 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mamamahayag, kinilala ng Obispo

 1,929 total views

 1,929 total views Mamamahayag, kinilala ng Obispo Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang lahat ng mga naglilingkod sa larangan ng pamamahayag lalo na ang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top