Pagkakaisa, makakamit kung may pagkakasundo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total reads

Binigyang diin ng isang Obispo ang kahalagahan ng pagkakasundo sa lipunan upang iiral ang pagkakaisa.

Ayon sa Homiliya ni Novaliches Bishop Antonio Tobias, bawat mananampalataya ay pinagkalooban ng iba’t-ibang biyaya ng Panginoon.

Hinimok ng Obispo ang mga mananampalataya na manatiling magkaisa tungo sa kabutihan ng kapwa.

Ang paninilay ng Obispo ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ni San Lorenzo Ruiz na ginanap sa San Lorenzo Ruiz Parish, Tandang Sora Quezon City noong ika – 30 ng Setyembre.

Inihalimbawa ni Bishop Tobias si San Lorenzo at mga kasamahan na sa kabila ng pagkakaiba ng estado sa buhay ay kapwa tinawag upang maging martir.

Tema sa pagdiriwang ng Kapistahan ang “Layko at Relihiyoso, Kaalakbay ni San Lorenzo kay Kristo” bilang pakikiisa sa Simbahang Katolika na nagdiriwang ng Year of the Clergy, religious and Consecrated Persons.

Dahil dito, hinikayat ng Obispo ang mga pari, madre, relihiyoso at mga layko na magtulungan sa ikabubuti ng Sambayanan.

“Ang mga Pari, Madre at Layko ay parehong tinawag sa iisang misyon; magkakasama sa pagpapalakas ng ating Sambayanang Krsitiyano.” pagninilay ni Bishop Tobias.

Sinabi pa ng Obispo na kapaki-pakinabang ang pagkakaisa ng bawat mananampalataya upang higit pang maipapalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon lalo na sa mga tumatamlay ang pananampalataya.

Si San Lorenzo Ruiz ang kauna-unahang Santong Filipino na pinahirapan at pinaslang ng mga Hapon sa Nagasaki Japan noong ika – 16 na siglo makaraang tumanggi itong talikuran ang pananampalatayang Katoliko at nanindigan na kung bibigyan pa ito ng sanlibong buhay ay muli’t muli itong iaalay sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,563 total reads

 118,563 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,095 total reads

 256,095 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,871 total reads

 371,871 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,572 total reads

 487,572 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top