Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, kailangang managot sa crime against humanity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 471 total views

Umaasa ang Promotion of Church Peoples Response (PCPR) na ang personal na pag-amin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang kasalanan kaugnay sa Extra Judicial Killings sa bansa ay makatulong upang tuluyang imbestigahan ng International Criminal Court ang crime against humanity ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni PCPR spokesperson Nardy Sabino sa kontrobersyal na pag-amin ni Pangulong Duterte.

Iginiit ni Sabino na napakahalaga para sa kapamilya ng mga biktima na nasawi sa war on drugs ng pamahalaan ang naging pag-amin ni Pangulong Duterte na siyang may kasalanan sa hindi maabatang EJK sa bansa.

“Mahalaga sa amin yun lalo na sa mga biktima kasi siya mismo ay umaamin, nahuhuli sa bibig yung salarin, umaasa kami na lahat ng yun mula doon sa IPT, yung pag-amin ni Pangulong Duterte ay makakadagdag ng substance at saka ng merito doon sa pagdidesisyon ng prosecutor para imbestigahan na si Pangulong Duterte hinggil sa kanyang kasalanan, yung crime against humanity…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Sabino na ang pag-amin sa publiko ni Pangulong Duterte ay isang malinaw na patunay na tama ang guilty verdict ng International People’s Tribunal (IPT) hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration.

Bukod dito, naaangkop lamang ang naging pag-amin ni Pangulong Duterte sa inihaing kaso sa International Criminal Court hinggil sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

Gayunpaman, inaasahang isusumite ang naturang hatol at findings ng International People’s Tribunal (IPT) sa United Nations Human Rights Council, European Parliament at International Criminal Court sa The Hague kung saan mayroong inihaing kaso laban sa Pangulo.

Sa tala mismo ng Philippine National Police, umaabot na sa mahigit 20-libong indibidwal ang bilang ng mga napatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte na nagsimula noong 2016.

Kaugnay nito, umaasa si CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na pagsisihan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kasalanan matapos niyang aminin sa publiko ang kanyang pagkakasala kaugnay sa Extra Judicial Killings sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 44,602 total views

 44,602 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 66,668 total views

 66,668 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 82,364 total views

 82,364 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 89,636 total views

 89,636 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 150,564 total views

 150,564 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top