Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, naninindigan laban sa parusang kamatayan sa paggunita ng World Day Against Death Penalty

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 650 total views

Binigyang diin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care ang paninindigan ng Simbahang Katolika laban sa pagbabalik ng Death Penalty sa bansa kasabay ng paggunita sa World Day Against the Death Penalty.

Inihayag ni Bro. Rudy Diamante, Executive Secretary ng komisyon ang patuloy na paninindigan ng Simbahan kasama ng mga pro-life advocates sa pagbibigay halaga sa kasagraduhan ng buhay ng bawat indibidwal maging ng mga nagkasala sa lipunan.

Ayon kay Diamante, bukod sa panawagan laban sa pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa ay bahagi ng paggunita ng World Day Against the Death Penalty ang pagsusulong sa mabuting balita ng Panginoon na siyang nagbigay buhay sa sangkatauhan.

“Well we are affirming on this day together with the members of the international committee an option for life kasi the World Day against Death Penalty was initiated by the international community working for the abolition of the Death Penalty all over the world and as we recognize it, as we observe it the church would like to affirm our option for life and our stand to live the Gospel and to stop the killings specially the legalized killings…” pahayag ni Diamante sa panayam sa Radyo Veritas.

Tema ng paggunita sa World Day Against the Death Penalty ngayong taon ang “Live the Gospel and Affirm the Option for Life”.

Kaugnay nito, naunang ikinagalak ng Simbahan at mga pro-life advocates sa bansa ang naging deklarasyon ni Pope Francis na hindi katanggap-tanggap kailanman ang pagpapataw ng Death Penalty.

Batay sa datos ng World Coalition Against the Death Penalty, umaabot na sa 107-bansa ang nagbuwag ng parusang kamatayan kabilang na ang Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng Administrasyong Arroyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 43,280 total views

 43,280 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 45,490 total views

 45,490 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 118,869 total views

 118,869 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 131,625 total views

 131,625 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 157,951 total views

 157,951 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top