Simbahan, makikipagtulungan sa pamahalaan sa pangangalaga ng mga OFW

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 451 total reads

Handang makipagtulungan ang Simbahang Katolika sa pamahalaan sa pangangalaga ng mga Overseas Filipino Workers.

Ito ang tiniyak ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itenerant People sa pagkatalaga kay Permanent Representative to the United Nations Teddy Boy Locsin bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs kahalili ni Allan Peter Cayetano na tatakbong kongresista sa Taguig City.

“We extend our hands for mutual assistance and collaboration especially for wellbeing of OFW’s.” pahayag ni Bishop Santos sa Radioo Veritas.

Kinilala ng Obispo ang pagkakatalaga kay Locsin bilang bagong kalihim at umaasang mas paiigtingin nito ang mga programa na magpapahalaga sa karapatan at kapakanan ng mahigit sampung milyong Overseas Filipino Workers sa buong mundo.

“We humbly appeal to give preferential services for the protection of our OFW’s and better promotion of their rights and welfare.” ani ng Obispo.

Nasasaad sa ensiklikal na Pacem In Terris ni Pope John XXIII na kabilang sa personal na karapatan ng bawat indibidwal ang makapasok sa anumang bansa na naghahanap ng kabutihan sa kinabukasan kaya’t tungkulin ng mga namamahala sa bawat bansa na tanggapin at kalingain ang mga migranteng nais maging bahagi ng kanilang komunidad.

Una nang kinilala ng Simbahang Katolika ang ambag ng mga OFW hindi lamang sa kani-kanilang pamilya kundi maging sa paglago ng ekonomiya ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 77,946 total reads

 77,946 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,599 total reads

 125,599 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,470 total reads

 173,470 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,417 total reads

 277,417 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 359,889 total reads

 359,889 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top