Tatlong ‘K’ hanapin sa bawat kandidato

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 433 total reads

Umapela sa mga botante ang dating pinuno ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Henrietta De Villa na hanapin ang tatlong ‘K’ sa bawat kandidato.

Ito ay bilang paghahanda sa nakatakdang 2019 Midterm Elections at makapili ng mahusay na pinuno para sa bayan.

Paliwanag ni De Villa, dapat tiyakin ng mga botante ang karakter, kakayahan at katapatan ng mga kandidato para sa iba’t ibang posisyon sa pamahalaan.

Giit pa ni De Villa, mahalagang malaman na mabuting tao, may kakayahan sa pamumuno at matapat sa kanyang mga bibitawang mga pangako ang mga maluluklok na opisyal ng gobyerno.

“I-proseso niyo po yung pagpili sa inyong kandidato na sila ay atleast merong tatlong ‘K’; Karakter – kasi kailangan malaman natin kung anong pagkatao nila kasi hindi mo maitatago yun, lalabas at lalabas kung ano yung ugali ng kandidato; pangalawa po na sila ay may Kakayanan–kung tumatakbo sila bilang senador may kakayanan ba sila, may sapat na kakayanan para maging mabuting senador; pangatlo, Katapatan–kailangan yung katapatan ng mga kandidato suriin natin, kilatisin natin, sila ba ay tapat sa mga pangakong ibinigay nila,” ang bahagi ng pahayag De Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Nauna ng ipinalala ni De Villa ang hinahangad ng Simbahan na maging matalino ang bawat botante sa pagboto para sa halalan.

Sa tala ng Commission on Elections o COMELEC, umabot sa 152 ang naghain ng COC para sa pagka-Senador habang umabot naman sa 185 ang naghain ng Certificates of Nomination and Certificates of Acceptance of Nomination upang maging kinatawan ng iba’t ibang Partylist.

Ang PPCRV ay itinatag matapos ang isinagawang Second Plenary Council of the Philippines para sa pagpapatupad ng reporma sa halalan sa bansa.

Opisyal na inilunsad PPCRV noong October 1991 na layuning maging pangunahing tagapagbantay ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng isang maayos at tapat na eleksyon sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 50,668 total reads

 50,668 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 72,869 total reads

 72,869 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 109,365 total reads

 109,365 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 329,992 total reads

 329,992 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 361,737 total reads

 361,737 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top