Diocese of San Carlos, bahagi ng fact-finding sa Sagay massacre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 417 total reads

Tiniyak ng Diocese of San Carlos sa Negros Occidental ang pakikibahagi ng Simbahan sa masusing imbestigahan sa pagpaslang sa 9 na mga magsasaka sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, aktibong nakikipagtulungan ang Social Action Center ng diyosesis partikular na ang dalawang Pari na in-charge sa nakasasakop na Vicariate sa Barangay Bulanon sa Sagay City sa iba’t ibang sektor na nagsasagawa ng imbestigasyon.

Pagbabahagi ng Obispo, kasalukuyang nakikipagtulungan ang diyosesis sa isinasagawang fact finding investigation ng Commission on Human Rights, KARAPATAN at ng iba pang Peace groups sa lalawigan.

Naninindigan si Bishop Alminaza na mahalagang makapagsagawa ng patas at malinaw na imbestigasyon sa naganap na insidente upang mabigyang katarungan ang pagkasawi ng 9 na magsasaka.

“Through the Social Action tapos yung dalawang Pari na in-charge sa vicariate where Sagay yung Barangay Bulanon is under, they are now coordinating with the different groups, multi-sectoral, multi-faith kasi nandoon din yung KARAPATAN, nandoon din yung CHR, nandoon yung mga Peace groups sa Negros, so we try as much as possible na mas credible, mas objective na fact finding kasi nakasasalalay doon yung paano, how do we seek justice and how do we go ahead…” pahayag ni Bishop Alminaza sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Obispo na hindi katanggap-tanggap ang sinapit ng 9 na magsasaka na pinaslang sa Hacienda Nene na maituturing na kumakatawan sa tunay na sitwasyon ng mga magsasaka sa usapin ng lupang pang-agraryo sa lalawigan.

Dahil dito, binigyang diin ni Bishop Alminaza na napapanahon na upang tunay na tugunan ng pamahalaan ang problema ng lupang agraryo sa lalawigan na isa ring batayan sa pagkakaroon ng tunay na kaayusan at kapayapaan sa Negros Occidental.

“It’s just knowing that there is an ongoing violence that is structural in the system, land system sa Negros na that has never been address comprehensively and the government and all of us with our cooperation should really address that basic problem kasi kahit yung basic peace issue ng Negros nakasalalay din dun…” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Nasasaad sa Encyclical ni Pope Paul the 6th noong 1967 na Populorum Progressio o On The Development of Peoples na mahalagang bigyang katwiran ang pamamahagi ng yaman ng mundo lalo na sa mga mahihirap.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 53,568 total reads

 53,568 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 176,961 total reads

 176,961 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 262,329 total reads

 262,329 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 309,070 total reads

 309,070 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 356,936 total reads

 356,936 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 452,303 total reads

 452,303 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top