OFWs sa Muslim countries, pinayuhang huwag dumalo sa Halloween party

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 335 total reads

Umaapela ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamahalaan na bigyan ng agarang ayuda ang mga Overseas Filipino Worker sa Riyadh, Saudi Arabia na kabilang sa mga hinuli ng mga otoridad sa isang Halloween Party.

Ayon kay Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Kumisyon, ang mga nahuling OFW ay dumalo lamang sa naturang pagtitipon at hindi ang nag-organize ng nasabing Halloween Party.

Dahil dito, muling umaapela ang Obispo sa mga OFW hindi lamang sa Saudi Arabia kundi maging sa iba’t ibang bansa na maging mas maingat at igalang ang tradisyon at kultura sa mga bansang kanilang kinaroroonan.

“Let us exhaust all means to assist and help our OFWs who accidentally got involved of just attending Halloween party. It was not their intentions, nor they were promoters. We appeal to our OFWs to be more cautious and careful especially when peace and quiet could be disturbed.” mensaheng ipinaabot ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Batay sa impormasyon mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foreign Affairs (DFA) kabilang ang 17 OFW sa mga nahuli at idinetine ng mga otoridad matapos na matuklasan ang nagaganap na Halloween Party dahil sa reklamo ng ilang mga residente sa Al Thumama.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas ang mga OFW sa Saudi Arabia na iwasang dumalo o makibahagi sa mga pagtitipon na walang pahintulot o kaukulang permit mula sa Saudi government.

Kabilang sa ipinagbabawal ang pagtitipon ng publiko na may kaugnayan sa mga non-Islamic event at ang pagsama-sama ng mga lalaki at babae.

Selebrasyon ng All Saints’at All Souls’ Day
Nananawagan si Bishop Santos sa bawat isa na idaan sa pananalangin at pag-aalay ng banal na misa para sa mga namayapa ang paggunita ng Undas.

Ayon sa Obispo, ang Undas ay panahon upang muling alalahanin at bigyang pagpapahalaga ang naging buhay ng ating mga namayapang mahal sa buhay at hindi upang pagmulan ng mga katatakutan.

“Also here, as we celebrate November 1 let us focus more on praying, offering Holy Masses for our departed love ones. We remember them not to be afraid but with gratitude and love for what we are now it is because of them. We ask forgiveness, we forgive and commend them to God’s mercy. To celebrate November 1 is to scare or to party, but to uplift life.” Dagdag pa ni Bishop Santos.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na isasabuhay ng bawat mananampalataya ang layunin ng Undas na paggunita sa mga namayapa sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang mga himlayan at pag-aalay ng panalangin para sa ikapapayapa ng mga kaluluwa sa purgatoryo.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,094 total reads

 49,094 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 168,104 total reads

 168,104 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 253,473 total reads

 253,473 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 300,213 total reads

 300,213 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 348,080 total reads

 348,080 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 443,829 total reads

 443,829 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top